Benjamin De Guzman, inilalagay sa negosyo ang kinikita sa showbiz

BUKOD SA pag-aartista, kasabay ng kanyang pag-aaral ay minabuting magkaroon ng sariling negosyo mula sa kanyang kita bilang artista at commercial/print ad model (Siomai.com at Pao Pao Milk Tea) ang Star Magic Talent at isa sa host ng travel show ng TFC na Pinoy Destination, at kasama sa ABS-CBN soap na Bukas Na Lang Kita Mamahalin na si Benjamin De Guzman.

Kuwento nga ni Benjamin, “Ako kasi ‘pag wala akong ginagawa nabo-bore ako. So, ang gusto kong gawin sa sarili ko is to be more productive in a way na makabubuti sa akin.

“Not only that, of course para na rin sa family ko at magbe-benefit sa aming lahat. So naisipan kong mag-business, kasi gusto ko ring mag-explore at maka-discover ng mga bagong bagay na habang lumalaki ako ay may natututunan ako sa buhay at puwedeng pagkakitaan.

“Tsaka gusto ko kasi, habang bata ako at kumikita, alam ko kung saan ko ilalagay ‘yung kinikita ko sa pag-aartista at pagko-commercial. Masuwerte nga ako at may mga magulang ako na ganu’n din ang gusto nilang mangyari, ang makaipon ako at ilagay sa business.

“Siguro namana ko ‘yun sa daddy ko, kasi businessman ang daddy ko. Mahilig siyang magnegosyo na bata pa ako, hanggang sa paglaki ko, nakikita ko. Kaya siguro nahilig din ako sa pagnenegosyo.

“Tsaka ask early as now, iniisip ko na rin ‘yung future ko, alam ko naman kasi na hindi lifetime ang pag-aartista at pagiging commercial model ko. Kaya gusto ko, bukod sa naka-graduate ako sa pag-aaral, ngayon pa lang, may negosyo na ako.

“Hindi naman all the time, nand’yan ‘yung mga magulang ko na susuporta sa akin. Paghahanda talaga para sa future ‘yung ginagawa ko.

“Kaya hangga’t bata pa ako at kumikita kahit papaano, ii-invest ko na ‘yung kinikita ko sa negosyo sa tulong ng magulang ko,” pagtatapos ni Benjamin.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleAktor, planong ipawalang-bisa ang kasal sa asawa
Next articleTinatapos na ang kanyang doctoral
Boy Abunda, hindi humihinto sa pag-aaral

No posts to display