RATSADA NA rin sa paggawa ngayon ng pelikula ang anak ni Benjie Paras na si Andre Paras. After Diary ng Panget, Your Place or Mine, ngayon ay kasama rin ang binata sa Wang Fam ng Viva Films na kasalukuyang ipinalalabas.
Tanong namin kay Benjie, nakita na ba niya nu’ng bata pa si Andre na papasukin din nito ang pag-arte?
“Talagang makikita mo na there’s a comedy inside him. Ang isa pa, mahilig siyang manood ng mga Tagalog comedy. Napanood din niya ‘yung ibang pelikula ko noon,” sagot niya.
Hindi ba siya na-frustrate na hindi ang career sa basketball ang pinursue ni Andre?
“Hindi naman… hindi ako ganu’n, eh,” reaksyon niya. “And I never introduce basketball to them, hindi ko nga sila pinilit, eh. Kahit nga sa mga games nila na pinapanood ko, I’d make sure that they don’t see me kasi ayoko nu’ng magkaroon sila ng pressure.
“SO, I’M not like other parents na talagang nando’n, nakikialam, hindi ako ganu’n, kung ano lang ‘yung gusto nila. Ako naman, nakapaglaro ako, naging successful ako as an athlete, as a basketball player by myself. Hindi nakialam yung nanay ko sa akin. Ganu’n din ang ginagawa ko sa kanila,” paliwanag ni Benjie.
Inamin din sa amin ni Benjie na mino-monitor din niya ang finances pati ang cellphone ng anak.
“Kasi ‘yung card niya, extension ko rin para namo-monitor ko. ‘Yung phone niya, extension ko rin, namo-monitor ko rin to remind him na ‘pag medyo magastos na, medyo mali na ‘yan,” sey pa niya.
La Boka
by Leo Bukas