NA-RETRENCH NA bilang field reporter ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya ang broadcast journalist na si Bernadette Sembrano. Ang Lingkod Kapamilya ay ang public service segment ng TV Patrol na nagbibigay ng tulong sa mga Kapamilyang nangangailangan sa pamamagitan ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation, Inc.
Ito ang kanyang ini-announce nung Tuesday, August 25, sa pamamagitan ng isang video sa kanyang Facebook page.
“By noon time, I got a call from my superior, sa aking trabaho as a reporter for ABS-CBN. I was told that I was retrenched,” pagtatapat ni Bernadette.
“Masakit din. But this isn’t the first time that this happened to me, that I was enjoying the morning tapos pagdating ng hapon, medyo not so good news,” dagdag pa niya pagkatapos ng kanyang announcement.
Ayon pa sa radio anchor ng DZMM, expected na niya ang mangyayari dahil sa hindi pagre-renew ng Kongreso ng prangkisa ng ABS-CBN network na nag-expire noong May 4, 2020.
Ano nga ba ang naging realization niya sa nangyari?
Aniya, “Well, ang una kong naisip was dapat talaga sa buhay sakto lang para alam mo kung kanino pa rin nanggaling ang totoong kaligayahan. Huwag sosobra kasi pag sumobra, baka makalimot ka na.”
Nawalan man ng isang trabaho, positibo pa ring ibinahagi ni Bernandette ang isang quote mula sa kanyang kaibigan na nagsisilbi raw niyang inspirasyon.
“Every day, good things an bad things happen throughout our day, and it’s up to us what we want to hold on to and what e want to stay with us if we want to choose to remember the bad stuff or the good stuff,” lahad niya.
“Today, I remain grateful. I am a changed person because of my fieldwork and I know that every moment I had as a field reporter, wala akong inaksayang panahon. So, I hope you choose the positive that happened today to remember each day and remember to be grateful,” pahayag pa niya.
Samantala, mananatili namang co-anchor si Bernandette ng TV Patrol kahit pa na-retrench siya bilang field reporter ng Lingkod Kapamilya.