May ibubuga rin pala sa serious acting si Bernard Palanca, this we can vouch for sa walang mintis at walang pirmis naming pagtutok sa teledramang “Bakit Manipis ang Ulap?”
Bernard Palanca who plays Migs takes on a role na hindi kasing-nipis ng ulap, but rather a role that he can sink his teeth into. Sa kuwento, malaki ang naiaambag ng kanyang karakter in establishing the conflict.
Siya kasi ang dahilan kung bakit nagkagulu-gulo ang mundo ng bidang si Marla played by Claudine Barretto, ng paninigbugho ng kanyang pinakasalang si Alona (Roxanne Barcelo) that led to her death, ng paghihiganti ng ate nito and a whole lot more.
Rarely do we see Bernard slip into such a character. Minus the boy-next-door looks, kahit ‘yung porma niyang astig can make him pass for someone who’s rich and schooled. Certainly not the John Regala type of a contravida.
Huwag sanang ikalobo ng ulo ni Bernard ang aming obserbasyon pero para sa amin, he’s a better actor than Diether Ocampo na isa rin sa mga bida sa BMAU.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III