No show sa 32nd PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa New Port Performing Arts sa Resorts World Manila ang ilan sa mga winners ng prestigious award-giving body.
Hindi sumipot para personal na tanggapin ang napanalunang tropeyo ang itinanghal na ‘Best Supporting Actress’ na si Alessandra de Rossi para kanyang mahusay na pagganap bilang Mommy Dionesia sa “Kid Kulafu”.
Hindi rin dumalo si Bea Alonzo na nagwagi naman for ‘Best Actress’ para sa mahusay niyang pagganap sa pelikulang “A Second Chance” na siyang kauna-unahang pagwawagi nito sa Star Awards.
Hindi rin nagpunta sa Gabi ng Parangal ang ‘Indie Best Movie Director of the Year’ na si Zig Dulay para sa pelikukang “Bambanti” na siya ring tinanghal na ‘Best Indie Movie of the Year’.
John’s Point
by John Fontanilla