Best date ever ngayong Valentine’s Day!

LeedsAraw na naman ng mga Puso! Alam niyo na ba kung saan niyo dadalhin ang inyong mga “beh?” Kung wala pa kayong plano, ito ang inyong guide to kalendaryong Pinoy upang magkaroon kayo ng “best Valentine’s date ever!”

Musical Comedy Valentine’s show in Saint Boniface Hall

(14 February 2015, 18:00)

Pogi points daw kapag malakas ang sense of humour ng partner, kaya patawanin ang inyong date ngayong Araw ng mga Puso! Manood ng Musical Comedy Valentine’s show, hindi lamang ito panglovers kundi para sa buong pamilya! Laughter is not only the best medicine, it could also be the best gift to win your partner’s heart! For ticket reservation, please contact 07477 493 551.

 

Leeds in Unity for Love

(14 February 2015, 16:00-22:00)

Para sa mga taga Leeds, huwag ng pahirapan ang inyong mga sarili sa paghahanap kung saan kayo magdedate ng inyong partner o specialsomeone sa Araw ng mga Puso, go na sa St. Nicholas Church Hall dahil paniguradong you will definitely have a fun Valentines! It’s a family date!

Mayroong Search for Mr. and Ms. Valentine’s Day, talent show, paraffle, palaro sa mga kids at pwede pa kayong magduet ng iyong darling dahil may Karaoke! Ito rin ang perfect venue sa mga naghahanap palang at mgapusong sawi dahil baka dito niyo na makilala ang inyong Mr. or Ms.Right!

Ang Leeds in Unity for Love ay collaboration project ng Filipino Leeds Association (FLA) at Leeds Filipino Community (LFC). Nais ng dalawang grupo ng magkaroon ng pagkakaisa ang lahat ng mga Pinoy sa Leeds! Sino pa nga ba ang maggdadamayan kundi tayo ring mga Pinoy! Love love love!

 

Philippines SLAWUK Valentines Party

(15 February 2015, 17:00)

Para sa mga taga South Wales, kung hindi niyo feel ang quiet and private moment this Valentines, makipagmingle sa mga kababayan natin sa Valentines party na inihanda ng SLAWUK. Ang SLAWUK ay isang non-profit, non-political charitable community association sa South Wales UK. Bukod sa entertainment ay tiyak na mabubusog ang inyong tiyan sa mga pagkaing Pinoy!

Ni Joy Mesina


Previous articleThe exodus of OFWs
Next articleAng waterproof faith ng mga Pinoy!

No posts to display