Best supporting actor Joross Gamboa, ginawang lampshade ang trophy sa Cinemalaya!

WALANG NAKAPIGIL kahit ang ngitngit ng bagyong Gener dahil dumagsa ang mga malala-king bituin sa gabi ng parangal ng 2012 Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Wagi  ang Bwakaw ni Direk Jun Lana sa  Audience Choice Award, at best actor para kay Eddie Garcia sa Director’s Showcase category.

Sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro at Janice de Belen (ensemble) ang nanalo sa best actress at best supporting actress, at best supporting actor naman si Art Acuna. Si Raymond Red ang best director para sa Kamera Obskura. 

Nagkaroon ng ugong nang manalo ‘yung ibang entry na halatang pinagbigyan lang. Para sa iba, best film sa kanila alinman sa Bwakaw, Kamera Obskura at Kalayaan (Wildlife) na nanalo ng best cinematography at best screenplay, kahit iba ang pinanalo ng mga jury.

Best film, best actress (Ama Quiambao) at  best director (Mes De Guzman) ang nakuha ng Diablo sa New Breed category. Surprise winner si Kristoffer King sa best actor (na hindi nakadalo dahil isinugod daw ang anak sa ospital, ayon sa staff ng movie niyang Oros). Ang veteran actress na si Ms Anita Linda ang nagwagi ng best supporting actress at (isa pang surprise winner!) si Joross Gamboa sa best supporting actor para sa Intoy Syokoy ng Kalye Marino. May mga nadismaya sa sinabi ni Joross ng tanggapin ang kanyang Balanghai trophy, ilaw na lang daw ang kulang at lampshade na iyon. Hindi yata nito alam kung gaano kaespesyal ang hawak na tropeo at hindi yata nito alam na nasa CCP siya para magbiro siya nang ganu’n. Sana si Ronnie Lazaro na lang ang nanalo na napakahusay sa Ang Katiwala.

All in all, natapos nang matagumpay ang 8th Cinemalaya kaya maghihintay na naman tayo sa susunod na taon para sa makabuluhan at maipagmamalaking mga pelikula, hindi lang dito sa atin, kundi maging sa ibang bansa.

HINDI NAMAN nagkita sina Dawn Zulueta at Gretchen Barretto sa loob ng CCP main theater na pinagdausan ng awards night. Nasa bandang unahan si Greta habang nasa bandang dulo si Dawn. Absent sina Juday, Agot at Janice kaya si Iza lang ang tumanggap ng award nila. Wala rin si Coco Martin, JM de Guzman, Jodi Sta. Maria, Mylene Dizon, at Carlo Aquino. Pero andu’n at presentor sina DennisTrillo, Albie Casiño, Kristoffer Martin, Dominic at Felix Rocco, Alessandra de Rossi, at Angel Aquino na napakaganda nu’ng gabing iyon.

Kumpleto ang mga new breed director habang si Direk Joey Reyes lang ang absent sa hanay ng director’s showcase directors. Um-attend daw ito sa kasal sa Antipolo. True kaya ‘yun o umiiwas lang si Direk Joey dahil may issue sa kanila ng controversial talent manager na si Alfie Lorenzo?

Nakakatuwa naman ang mga senior citizen na mga artista gaya nina Eddie Garcia, Anita Linda, Ama Quiambao at Fides Cuyugan-Asensio na maagang dumating at nag-stay pa hanggang matapos ang programa. Iba pa rin talaga ang pagka-professional ng mga beteranang artista na hindi namana ng mga artista natin ngayon.

‘Yun na!

BLIND-ITEM: Naku, huh! Nagrereklamo na raw ang ibang talents ng kontrobersiyal na manager, huh! May tsika kasing ‘yung suweldo sana na makukuha nila para sa talent fee nila ay nakubra na raw ng manager. Naloka raw ang mga ito nang nagtatanong na kung may suweldo na sila sa cashier pero laking gulat daw nila nu’ng sinabi sa kanila na wala na dahil nakuha na ito ni manager.

Nganga raw as in ngangang-nganga ang mga talent at nagtatanong kung bakit daw ganu’n? Alam daw nila ay sila ang kukuha ng suweldo at sila na ang magbibigay ng komisyon sa manager. Bakit daw lahat ay kinuha?

Ano kaya ang gagawing pantatakip na naman ni manager sakaling isang araw ay may magsalita sa mga talent niya’t sabihin ang ginawa nito?

Hindi kaya giyerahin nito ang mga talent niya’t pagsalitaan ng kung anu-ano?

Afraid, huh!

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleThe 30 Million-Peso Question!
Next articleCinemalaya best actor
Indie bold actor Kristoffer King, kinabog sina Coco Martin, Dennis Trillo at iba pa!

No posts to display