SUMASABAY NA RIN talaga sa bilis ng takbo ng teknolohiya ang paggawa ng album. Noon, singers lang at ‘yung may perang pambili ng ilusyong sila ay singers, sila ‘yung nabibigyan ng chance na magka-album.
At isang “medalya” sa singer noong araw ang may album ka. Pero pinapatay rin ng piracy, downloading, iTunes at mag-search ka lang sa internet, makakakuha ka na ng kanta, ba’t ka pa bibili ng album, ‘di ba?
Ngayon nga, hindi ka singer? Saliwa ang boses mo? Puwede ka bang magka-album? Aba, oo. Bukod sa photo album, record album, magkakaroon ka.
Basta ang criteria for judging: sikat ka, marami kang fans, malakas ang impluwensiya mo sa tao, nakapag-establish ka ng rapport sa audience, sa masa, marami kang commercials.
Look at Kris Aquino. Binibigyan lang niya ng ma-emote na intro bago bumirit ang kada song, kitam, naka-double platinum na ang kanyang “Love & Feeling” album under Star Records.
Ibig sabihin, more than 40k co-pies ng album ang nabenta. At walang nagsabi na pangit ang boses ni Kris, dahil introduction before each songs lang naman ang ginawa niya.
Kaya congrats, Mare! Hindi ka man namin masabing isang singer eh, talbog mo pa ang ibang totoong singers na may album na nilalangaw sa mga record bars.
TINAWAGAN NAMIN ANG uncle niyang si Ramon Yuson, pero tila hindi na ‘yon ang kanyang number. Nagpalit na yata ang dating manager ni Mahal.
Gusto lang kasi naming linawin kay Ramon, dahil kumalat sa text at dalawa na rin ang nagtanong sa amin kung ang pamangkin niyang si Beth Tamayo ang isa sa tatlong binitay sa China dahil sa droga.
Sey ng aming kausap, “Baka ‘yung walang mukhang si Elizabeth Batain ‘yung si Beth, hindi kaya?”
Honestly, hindi kami naniniwala rito. Dahil knowing the media? Imposibleng makakawala sa kanila ang impormasyon kung ito man ay itinatago.
Lalo na at si Beth ay isang kilalang artista, ‘di ba? So, personally, hindi kami naniniwala rito.
And I’m sure, paglabas nito ay asahan na nating may official statement ang kampo ni Beth para pabulaanan ang katsipang kumakalat na text message na si Beth ang isa sa mga binitay.
Ipagdasal na lamang natin ang mga kaluluwa ng ating mga kababayang binitay, inosente man sila o guilty.
ISA PANG “PINATAY” sa Twitter ay itong dating child actor na ngayon ay hindi na aktibong si Stefano Mori.
Kumalat sa Twitter na due to “blood clotting” ang pagkamatay ni Stefano, pero nag-google kami, me “Stefano Mori dead” na lumalabas, pero wala namang lumalabas tungkol sa naturang child actor.
Tsinek na rin namin ang Facebook account nito at nag-log-in pa ‘to nu’ng March 23, nag-accept pa ng friends (si Julia Montes ng Mara Clara), kaya feeling namin, hindi ito totoo.
Pero sabi nga, ‘pag ina-advance ang kamatayan ng isang tao, lalong humahaba ang buhay. At ‘yan ang dalangin namin para kay Stefano.
Sa tsismis lang “patay” pero sa totoong buhay, malusog at buhay na buhay.
MALUNGKOT BA KAYO? O sa dara-ting na Sabado, April 9? Why don’t you try watching “Mutcha Sa Zirkoh” para maaliw-aliw kayo nang bongga at 9pm.
Ang gaganap na “Mutcha” ay si Marissa Sanchez na may crowd talaga ang hitad, dahil bukod sa napakahusay magpatawa at ang ganda pa ng boses (parang Lea Salonga).
Aba, nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga batang kai-langan ng immediate medical attention na kinakalinga ng ChildHaus Foundation.
Special guest si John Lloyd Cruz at iba pang surprise guests. Kaya watch na. Puwede kayong tumawag sa 0922-8398877 for ticket reservations. Php1,000 at Php600 lang ang ticket prices.
Oh My G!
by Ogie Diaz