BG Productions International, inilunsad ang kanilang mga bagong talent

 alt=

Ms. Baby Go at Mr. Romeo Lindain ng BG Productions International kasama ang kanilang 10 bagong talents na inilunsad ng produksiyon kamakailan.
Ms. Baby Go at Mr. Romeo Lindain ng BG Productions International kasama ang kanilang 10 bagong talents na inilunsad ng produksiyon kamakailan.
Kristine Barreto
Kristine Barreto
Francis Garde
Francis Garde
Rafferty Manansala
Rafferty Manansala
Grace Buenconsejo
Grace Buenconsejo
Jay Verona
Jay Verona
Alexis Yasuda
Alexis Yasuda
James Robert
James Robert
Yvonne Aresu
Yvonne Aresu
Wynona Calderon
Wynona Calderon
Erika Yu
Erika Yu

Sampung talents ang sabay-sabay na inilunsad ng BG Productions International, sa pangunguna ni Ms. Baby Go, sa isang media launch na ginanap sa Lee Gardens sa Shaw Blvd., Mandaluyong City noong Sabado, June 4.

Gagawin silang homegrown talents at bibigyan ng break sa mga pelikulang nakatakdang gawin ng nasabing film production companies.

Kabilang sa sampung talents na rumampa sa media sina James Robert, ang Hunk Cebuano na magbibida sa “Balatkayo” kasama si Aiko Melendez; Alexis Yasuda, ang Japanese Hunk na nanalo na ng Aliw Award Best Actor in a Feature Role at nabigyan ng scholarship for film, TV, and Theater sa University of Notre Dame sa Indiana,USA; Sexy star Kristine Barreto na bibigyan ng break sa pelikulang “Balatkayo”; Erika Yu na nabigyan na ng major role sa pelikulang “Child Haus” bilang pa-sosyal na batang may kanser at sa “Laut” bilang kapatid ni Barbie Forteza na maagang nag-asawa; Wynona Calderon, 16 years old from Cavite na batikan sa paggawa ng mga legitimate stage plays; Half-Italian Yvonne Aresu from Bulacan na bihasa na sa pagmo-model sa edad na 15 years old; Jay Verona, isang beauty king from Davao, na kamakailan lamang ay tinanghal na First Runner-UP sa Mr. Golden Universe na ginanap sa Brazil; beauty queen potential pero malalim kung umarte na si Grace Buenconsejo; cute and confident child actor, Rafferty Manansala; at Francis Garde na bagama’t bata pa ay nakitaan ng lalim sa pagganap dahil sa mga pinagdaanan sa buhay.

Ayon kay Ms. Baby Go, hangad niya ang tagumpay ng kanilang talents sa showbiz industry at masaya aniya sila sa produksiyon na maging bahagi sa pag-abot nila ng kanilang mga pangarap.

“Hindi kami nangangako ng langit at lupa sa kanila. Ang pagsikat ng talent ay hindi lamang nakasalalay sa humahawak sa kanila kundi sa kanilang talento, attitude, disiplina, at suwerte.

“Importante ang patnubay ng Diyos at dasal para matupad ang kanilang mga pangarap. Best effort kami, tulungan at hindi sila dapat naiinip dahil ang tamang panahon ng kanilang pangarap ay darating at darating kung para sa kanila ‘yon.

Sana magtagumpay sila lahat kasi masaya kami na maging parte ng kanilang pagsikat at tagumpay.”

Samantala, isasalang sa mga acting workshops ang bagong talents sa ilalim ng mga regular director ng BG Productions na kinabibilangan nina Mel Chionglo, Joel Lamangan, Louie Ignacio, Neal Tan, at Jason Paul Laxamana.

Inihahanda na rin ang mga role na ibibigay sa kanila sa mga proyekto ng BG Productions, at nakatutok ang management sa kanilang grooming at pagpapaganda upang maging ganap silang handa sa limelight ng showbusiness.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores

Previous articleSylvia Sanchez, pangarap na makasama sa soap ang mga anak na sina Arjo Atayde at Ria Atayde
Next articleGay movie nina Michael Pangilinan at Edgar Allan Guzman, maipalalabas na rin sa wakas

No posts to display