NAPILING BEST PLAYER of the week ng ACCEL- PBA Press Corps si Mark Caguioa ng Barangay Ginebra para sa July 4-10. Si Caguioa sa kumamada sa laro nila kontra B-Meg Llamados, at tumulong ding manalo para sa team sina Ronald Tubid, Jay-Jay Helterbrand, Billy Mamaril, Erik Menk, JC Intal at Willi Miller.
Sa pagkapanalo ng Gin Kings, ito na ang kanilang ikalawang sunod na panalo. Bagama’t walang import na naglaro ang tropa ni Coach Jong Uichico, kung saan nadale pa ng injury si Curtis Stinson. Ayon kay Mark, “That’s what we’re known for. Lahat naman ng Ginebra players play their hearts out.”
Nakagawa si D’ Spark Caguioa ng 19 points, 6 rebounds at 3 assists.
Samantala, habang tumatagal ay tumatatag ang samahan nina JC Intal at kanyang rumored girlfriend na si Bianca Gonzales. Parang bihira naming makitang manood itong host sa laro ng Ginebra. Unlike si RR Enriquez, na nobya ni Helterbrand, napagkikita namin sa games, lalo noong pumasok ang Barangay Ginebra sa finals. Mukhang inspired namang maglaro si Intal sa kasalukuyan, dahil sa kanyang nobyang si Bianca. Mukhang nakalimutan na nga niya ang dating girlfriend na si Carla Abellana at naka-move on na siya.
How true kaya na ayaw mag-guest sa GMA-7 si JC Intal, kasi nga bakuran ito ni Carla. Matagal na kasing gustong kuning guest ang basketball player para sa mga TV shows ng naturang network. Kaso, laging tumatanggi ang binata. It means, ayaw niyang mag-krus ang landas nilang dalawa ng magic palayok.
BLIND ITEM 1: Naku, sino kaya itong player na binabalak na i-trade ng kanyang mother team. Matagal na raw plano ng koponan na mawala ang player sa kampo ng team. Ang problema, mukhang walang kumakagat, kasi nga super duper mahal ang player na ito.
Kaya naman tinatanggal ang player, baka kasi ma-brainwash niya pa ang mga kasamahan na gumawa ng kalokohan sa loob ng team. Sayang mahusay pa naman si player. Kung hindi kasi mawawala ang attitude problem nito, maaapektuhan ang laro nito.
Sino siya? Mula siya sa isang sikat na koponan.
BLIND ITEM 2: Ito namang si player ay feeling sikat na, wala pa nga siya sa kalahati ng kanyang basketball career ay malaki na agad ang ulo niya.
Sa totoo lang ang collegiate player na ito, pakiramdam na niya ay superstar na siya. Star player nga siya sa kanyang school, hanggang du’n lang siya. Kung nakuha man siya ng isang team sa amatuer league, hindi dahil sa kanya, kundi dahil gusto siya ng coach at kahit papaano ay may nakatulong sa kanya.
Hay, naku! Mahirap talaga kapag nabigyan lang ng breaks ang isang manlalaro ay naiiba na agad ang hangin. Sa totoo lang hindi raw need ng player ang manager, kasi may talent naman siya. Ganu’n? Hoy, gising! Baka nananaginip ka lang?!
CONGRATULATIONS NAMAN SA napakagandang opening ng 74th season ng UAAP na ginawa sa Marikina Sports Complex. Grabe, mala-olympics ang ginawa ng Ateneo Blue Eagles na siyang host ng taon.
Mahusay ang nakapag-isip ng ganitong concept, at sa unang pagkakataon ay ngayon lamang nagbukas ang tournament na walang laro. Anyway, good luck sa lahat ng kalahok sa UAAP 74th Season.
MULI NAMIN KAYONG inaanyayahan na sumulat kayo rito sa Pinoy Parazzi, upang magkaroon ng chance na manalo ng jersey, picture at bola ng inyong idol at favorite team. Maglakip lang kayo ng logo ng Pinoy Parazzi, kasama ang aking column dito, bubunutin namin ang isang mananalo, at susulat o tatawagan namin kayo para kuhanin nang personal ang inyong premyo. Sa lahat ng nais mag-comment, mag-e-mail sa [email protected].
Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club