AMINADO ang Pinoy Big Brother host at celebrity mom na si Bianca Gonzalez na super insecure siya nung kanyang kabataan dahil sa kulay ng kanyang kutis at pagiging morena.
“I think ang insecurity ko ay usually insecurity din ng mga morena. Ito yung hindi pantay na kulay, lalung-lalo na nung nasa grade school ako, high school ako — yung parang proseso ng learning to love yourself pa yun di ba, kapag mas bata ka,” lahad ni Bianca nang mag-guest siya sa Magandang Buhay.
“So, napapansin ko na mas maitim yung tuhod ko kaysa sa iba. Pag may peklat ako sobrang maitim kumpara doon sa iba. Ang tagal mawala nung peklat, or kung may pimple ang tagal nung mark,” dagdag ni Bianca.
Pero eventually nagkaroon daw siya ng acceptance para mahalin at tanggapin ang kanyang kahinaan.
Katwiran ni Bianca, “Ang insecurity I think hindi naman siya nawawala. Matututo ka lang na mabuhay with it. And ang feeling ko diyan sa insecurity, kung in-accept mo siya about you, kahit anong bashing mga tao tungkol sa ‘yo, tungkol sa bagay na yun, dahil alam mo siya sa sarili mo at accepted mo siya, okay ka.”
“For me, malaking part yung family. Ako kasi, morena ako, yung ate ko, morena rin at ang ganda ganda, ang poise pose. So growing up in my family, never sa akin pinaramdam ng kapatid ko or ng magulang ko na dahil maitim ako, mas pangit ako. Walang ganun.
“Nakikita ko na lang siya sa mga commercials. Di ba minsan, may commercial na ikinukumpara yung maputi doon sa maitim. Or sa mga magazines dati, mas konti talaga yung representation ng mga morena.
“Ang laki-laking factor nung pamilya para maramdaman ko nu’ng bata, growing up, na beautiful ako sa kung ano ako, sa kung anong meron ako. Maputi man o maitim, ito ako — beautiful,” pagmamalaki pa ni Bianca.
Ano ba ang mensahe niya sa mga kababaihan na hanggang ngayon ay nai-insecure pa rin dahil sa kanilang kulay at sa iba pang personal issues na kanilang hinaharap?
“Ang kalaban talaga ay feel ng insecurity. Kasi ang insecurity, battle na yan sa sarili mo, di ba? Tina-try mong i-accept talaga and yon kaya yon. It’s a battle you can win kumbaga.
“Pero ang pinaka-delikadong mangyari kapag you have an insecurity is to compare yourself to others. Although human nature di ba, na ico-compare talaga natin. Try as much as possible na huwag, kasi iba-iba tayo, eh. Kanya- kanya talaga tayo,” words of encouragement na tinuran ni Bianca