LAGPAS ISANG taon na ang libel case na isinampa ni Amalia Fuentes laban kay Bianca Gonzales kaugnay sa artikulong nasulat nito sa Philippine Star last year na may titulong “Love, Laughter & Intrigues with Eddie & Annabelle,” na lumabas February 12, 2012, sa column nito sa nasabing pahayagan na “10 Things You Should Know About.”
Kasunod nito ay nag-issue naman si Bianca ng public apology. Sabi pa niya noon, “I had no intention whatsoever na ilagay siya sa masamang posisyon. I highly respect everything she said, ‘yung opinion niya. I understand where she’s coming from and hopefully maayos ‘to. If she got hurt, or if any one got hurt, I’d like to apologize.”
Kumusta na nga ba ang libel case na isinampa ng dating movie queen? “Nagkasundo na si Miss Amalia and si Tita Annabelle (Rama), ‘yung akin naman parang there was an appeal pero parang wala pa akong naririnig after that.”
“Oo kasi they file and then you counter an affidavit and then parang na-dismiss and then may appeal. Pero I don’t know kung kasama roon ‘yung nagkasundo na sila ni Tita Annabelle after.”
Marami raw natutunan sa usaping legal si Bianca nang masangkot sa kaso. “An’dami kong natutunan sa law. First libel case na takot na takot na takot ako. Totoo nga, I was so scared kasi ang nagsabi pa sa akin si Ginger Conejero (ABS-CBN showbiz reporter). Sabi niya, ‘BIanca’, dini-em niya ako sa Twitter. Sabi niya, ‘Bianca can I interview you about your libel case?’ Nasa PBB (Pinoy Big Brother) house ako nu’n. Sabi ko, ‘anong ginagawa ko, libel case?’”
Dagdag pa nito, “Tapos inaalala ko talaga lahat nu’ng mga na-interview ko kung may sinabi ko sa TV, ganyan, so sinabi mo kay Ginger na, ‘Sorry I have no idea what you’re talking about, can I call you?’ So si Ginger pa sa lahat ang unang nagsabi sa akin.
“And then I remember the first person that I called is Tito Boy (Abunda), ‘Tito Boy I have something to tell you takot na tako ako, ganyan ganyan, sabi niya, ‘Don’t worry Bianca parang congratulations, kinongratulate pa ako kasi apparently may ganu’n na honor effect pala yun. ‘Yun pala ‘yung industry tsika about libel.”
May kasabihan sa showbiz na ang isang manunulat ay naka-arrive na bilang writer kapag nagkaroon na ng kasong libelo.
Feeling ni Bianca, baptism of fire daw ito sa kanya. “Baptism of fire siya, hindi siya parang you’ll watch what you’ll say more… more of at least na alam mo nang may consequence kung may sakaling ginawa ka.”
Sa ngayon, umaasa pa din daw si Bianca na makausap nang personal si Amalia. Saad niya, “I actually thougth na kung gagawa siya ng soap sa ABS-CBN na baka na may tsansa na ma-interview ko siya, but the opportunity hasn’t come yet.”
Hindi natuloy ang sana’y comeback teleserye ni Amalia sa ABS-CBN dahil daw sa health reasons.
Kuwento pa ni Bianca, “So when this thing happen, that was the first thing we say naman we really apologized. Kumbaga as much as possible, gusto ko sanang maayos in person between two camps, we’ll see. Siyempre, it’s her right naman to do what she wants.”
EFFECTIVE JULY 15, ang nakasaad sa ipinasang resignation letter last Friday, July 5, ni Jeffrey Espiritu, a.k.a Mr. Fu sa kanyang pinaglilingkurang radio station, ang 103.5 Wow FM.
Tumatakbo na ng halos tatlong taon ang pang-umagang programang ‘Tagabulabog ng Buong Universe’ ni Fu sa Wow FM.
Text ni Mr. Fu last Saturday sa amin, “Effective July 15 wala na ako sa Wow FM. Inaayos na ang lilipatan kong istasyon. I am thanking Wow FM for the great opportunities. It is just time to move up, move forward.”
Dagdag pa niya, “Three years (din ako sa Wow.) Nagpapasalamat ako sa great opportunities. Naging maganda ang simula namin. Dumarating lang talaga minsan ‘yung puntong may kulang, may hinahanap ka, nababawasan na ang saya. Kailangan mong punuan ‘yun para mas maging makabuluhan ang pagtatrabaho. Kaya i-push na ‘to! Push! Megano’n?!”
Sa biro namin kung baka isa sa mga dahilan niya ay ang magpakasal na sa kanyang girlfriend na isang chef sa Hong Kong, tugon niya, “Kailangan ding mag-ipon para sa kasal at binyag. Chos!”
Ayaw pang sabihin ni Fu kung saang istasyon siya lilipat.
Sure na ‘to
By Arniel Serato