Julie Ka!
by Julie Bonifacio
KITANG-KITA ANG GLOW sa mga mata ni Bianca Gonzales habang nagho-host ng 10th Hair Olympics ng David Salon sa SMX Convention Center sa Mall of Asia with Jon Avila. Hindi na itinago ni Bianca ang dahilan ng pag-glow ng kanyang mga mata. Dahil ito sa bagong pag-ibig sa kanyang buhay.
Boyfriend na ni Bianca ang owner ng Fiamma bar sa Makati na si Vincent ‘Vince’ Santos. It took more than two years since she had her last relationship with Direk Lino. And finally, naka-move on na nga si Bianca.
Kaya naman masayang-masaya si Bianca sa selebrasyon ng kanyang birthday sa “Entertainment Live!” last Saturday. Pinasaya si Bianca ni Vince sa birthday niya this year. We heard niregaluhan si Bianca ng bago niyang boyfriend ng isang boanggacious na birthday party, huh!
Samantala, nakapag-taping na sina Bianca Gonzales at Mariel Rodriguez para sa plug ng bagong season ng Pinoy Big Brother. Kahit paano, nakakahinga na raw siya nang maluwag mula sa kaba na baka mapalitan sila nina Mariel at Toni bilang host ng PBB.
Aminado si Bianca na kinabahan siya nu’ng una na baka mapalitan na siya sa PBB ng ibang TV host. Wala pa raw kasing pasabi ang ABS-CBN 2 kung sinu-sino na ang maghu-host ng bagong season na ito ng PBB. Manggagaling daw ang announcement from Direk Laurenti Dyogi pero hindi pa raw sila tinatawagan nito. Until ginawa nga nila ang plug ng PBB.
“Naku, masasaktan siguro talaga ako kung napalitan ako ng iba,” sabay tawa ni Bianca. May sentimental value kasi sa akin ang PBB maliban sa mga personal memories na na-experience ko inside the PBB house.”
KARANGALAN NG BANSA ang pasalubong ng brodkaster na si Karen Davila mula sa kanyang matagumpay na pagsasalita sa 2009 HPAIR Harvard Conference sa Amerika na ginanap noong Pebrero 19-22.
Ang ABS-CBN anchor ang kauna-unahang Pilipinong mamamahayag na naimbitahang maging speaker sa prestihiyosong taunang on-campus conference ng HPAIR o Harvard Project for Asian & International Relations.
Ayon kay HPAIR Social Policy Workshop Leader Norman Ho, malinaw na naibahagi ni Karen ang mga kaalaman niya sa mga polisiya at isyu ukol sa pagkakapantay-pantay ng pagtingin at karapatan ng mga babae at mga lalaki sa lipunan, sa kanyang workshop na isa sa pinakadinaluhan ngayong taon.
Higit pang ikinatuwa ng mga delegado nang ipinakita ni Karen ang ilan sa mga dokumentaryong ginawa niya bilang anchor ng The Correspondents. Dito, mas naintindihan ng mga banyagang estudyante ang mga isyu sa reproductive health, women and child-trafficking, at migrasyon ng mga nanay na iniwan ang mga pamilya upang makapagtrabaho sa ibang bansa.
“Isang karangalan para sa akin ang irepresenta hindi lang ang ABS-CBN, kundi ang buong bayan. Na-impress ang mga estudyante sa Harvard dahil nakita nilang higit na mas malaya at mas maimpluwensiya ang media sa Pilipinas kaysa sa ating mga karatig-bansa. Dahil dito, may kakayahan ang media na humubog sa mga polisiya sa lipunan,” ani Karen.
Ang HPAIR ay isang pagtutulungan sa pagitan ng mga estudyante at mga guro ng Harvard upang magkaroon ng forum para sa mga importanteng isyu ukol sa rehiyong Asia-Pacific.
Para sa 2009 HPAIR Harvard Conference, mahigit isang libong mga estudyante mula sa buong mundo ang sumubok makasali. Sa 300 na napiling mga delegado, anim ang galing sa Pilipinas kasama ang aktor na si Diether Ocampo na nirepresenta ang K.I.D.S. Foundation.
Sabi ni Karen, tutulong siya sa pagbubukas ng pinto para sa iba pang mga Pilipinong estudyante at propesyunal na nais makadalo sa Harvard Conference. Aniya, magandang oportunidad ito hindi lang upang matuto kundi upang makahalubilo rin ang iba pang mga personalidad at lider ng kabataan mula sa iba’t ibang parte ng mundo.
Samantala, balik-trabaho ang 2008 Ten Outstanding Young Men awardee na napapanood sa tatlong programa sa ABS-CBN – Wonder Mom, TV Patrol World, at The Correspondents. Mapakikinggan din si Karen sa programang Pasado 630 sa DZMM Radyo Patrol 630.