FIRST TIME, nasa title role na si Bianca King with Heart Evangelista sa isang newest family-oriented drama on primetime TV, ang Luna Blanca ng GMA-7.
For Bianca, it’s a big challenge for her playing the role as Luna. “Well, first title role ko siya so, first siya para sa akin na makita ‘yung pangalan ng character, ‘yun ang pangalan ng show. It’s an honor to be sharing the title role with somebody like Heart Evangelista. Lumaki akong pinapanood ko siya sa TV and then when I directed the music video, kinuha ko siya as the leading lady. I admire her beauty and talent and so now, sobrang seryoso na makakaeksena ko siya for the first time. And other challenge of course, is the fact that pipinturahan ako ng black so, lahat ng roles and series na ginawa ko last year has prepare me again in Luna Blanca kasi, kailangan mas malaki. Kailangan, times ten ‘yung acting ko kasi nga, hindi kita ‘yung facial expression ko. But it’s small sacrifice, kaunting hazzle having paint on the whole day. It’s small sacrifice talaga to make people happy. Parang thirty minutes lang naman, dalawang tao ang gumagawa tapos, ako na ‘yung nag-a-outline, ‘yun. Mas mahirap ‘yung pagtanggal, actually kasi, pumapasok siya sa loob ng tenga, kuko. Nag-i-stain siya in some part,” pasimula niya.
Bonggacious ang pasok ng year 2012 para kay Bianca, sunud-sunod ang project sa GMA-7 at going stronger ang relationship nila ni Dennis Trillo kahit wala pang pag-amin na sila na nga. Napagsasabay niya ang career at lovelife. Since magkasundo sila sa maraming bagay, ang actor na kaya ang lalaki para sa kanya? “Maybe, I’ll have an answer to that later on kasi, it’s so deep. For me, right now, we’re starting. So, we want to focus at saka siya super excited para sa akin. Nag-uumpisa pa lang ‘yung totoong career ko bilang isang malaking artista sa GMA.”
Hindi naman kaya magkaroon ng sapawan or tensiyon kapag magkaeksena na sina Bianca at Heart? “Definitely not, we’re friends. Sobrang sweet niya na tao, magkasundo kami sa maraming bagay. We’ve a lot of things in common . Although, hindi kami madalas mag-usap, kapag nag-usap kami, magkasundo kami kaya excited kaming magtrabaho,” paliwanag ng dalaga.
Palibhasa wala pang formal na pag-amin kina Bianca at Dennis na mag-dyowa na sila, diretsong tinanong ang actress kung ilang months na silang mag-on ng actor. “I don’t answer question like that,” sagot ng dalaga. Bakit naman? “Sorry po,” mahinhin na turan ng actress. Three reasons why raw? “Because it’s personal. Because we’re here to talk about Luna Blanca, and because I want the fans to get to know my budget work,” pahayag niya.
Inamin ni Bianca na sa acting muna siya magko-concentrate at saka na raw ang directing. Kukuha rin ng eight weeks course ng cinematography ang dalaga kung sakaling maluwag ang schedule niya, “May nakuha uli akong offer maging director for the production house. Imi-meet ko again and then, actually it’s my second job na in the real world. The director who’s part of the production house approach me so, gusto nila akong ma-meet para makausap. Magiging in house director po ng isang production house. Gusto kong malaman, kaila-ngang marinig ko sa kanila kung ano ba ang kailangan kong gawin. Sa ngayon, ang focus ko muna sa Luna Blanca, tatapusin ko muna ‘yun. Kapag wala akong kasunod na show after, saka ko siya tututukan.
For now, acting pa rin kasi minsan lang ako magiging ganito kabata. Sa directing naman kahit sa pagtanda ko, puwede ko siyang gawin.”
Payagan kaya si Bianca ni Dennis na mawala for two months para mag-aral ng cinematography? “Gusto ko nga rin siyang mag-aral. Ini-encourage ko lang siya kasi, sobrang ang ganda ng eye niya for photography. Kapag nakita ninyo ang mga pictures niya parang mas magaling pa siya sa akin. Sa mga fans na nagsasabi, magaling talaga siya. Kapag may chance ako, sinasabi ko sa kanya, ‘mag-aral ka kaya ng cinematography’. Cellphone pa lang ang gamit niya, ang ganda-ganda ng picture niya,” papuring kuwento ni Bianca.
Ano naman ang naging sagot ni Dennis sa sinabi mong mag-aral siya ng cinematography? “Wala pang masyado. Siguro matagal pa niyang pag-iisipan ‘yun kasi, mahirap para sa kanya, may anak siya. He can’t just live but ‘yun, gusto ko talaga siyang i-encourage para ma-share naman niya sa tao ‘yung iba niyang talent.”
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield