MAY PANIBAGONG AWAY na naman tayong susubaybayan, ‘day!
Akala ko kasi, tapos na ang away nina Annabelle Rama at Nadia Montenegro eh, heto pala umabot na sa demandahan.
Dinemanda ni Nadia si Annabelle ng kasong Child Abuse kaya kung anu-ano na naman ang mga nasa Twitter account ngayon ni Bisaya.
As of presstime, ayaw pang magsalita ng dalawa. Pero ang alam ko, guest siya sa Showbiz Central para sagutin ito.
Si Nadia naman ay tahimik lang at ayaw magsalita tungkol sa kasong ito. Basta nag-file na siya ng demanda at abangan na lang natin kung saan ito hahantong.
Mukhang mahaba-habang kuwento ito kaya subaybayan na lang natin.
NANINIWALA AKONG HINDI gimmick itong isyu nina Dennis Trillo at Bianca King para sa dramarama sa hapon nilang Sinner or Saint. Magtatapos na ito nga-yong linggo kaya bakit pa sila gagawa ng isyu na nagkadebelopan na sila dahil patapos na nga ito.
Marami na kasi ang nagkuwentong madalas daw sila nakikitang magkasama at mukhang sila na nga.
Nang tinanong ng Startalk si Dennis tungkol dito, ang sabi lang niya, na-develop ang magandang friendship nang magkasama sila sa Sinner or Saint.
Magandang working relationship daw kaya nakikita naman na maganda ang chemistry nila sa naturang drama series.
Pero kung si Bianca ang tatanungin mo, wala talaga siyang sagot. Nang kinulit-kulit nga ito ng reporter namin, nakangiti lang ito at wala talaga siyang sinasabi.
“Nakuha na niya (Dennis) kasi ang tiwala ko bilang kaibigan. Iba na ang tiwala eh,” tipid na sagot ni Bianca.
Kahit anong piga ng mga reporter na nagtatanong sa kanya, wala talaga siyang sagot kaya ano pa nga ba ang ibig sabihin ng pananahimik na ‘yun?
Ayaw na lang daw niyang ma-quote pa kaya siguro gusto na lang niyang manahimik para hindi na siya magkamali.
Dahil sa pananahimik na iyun ni Bianca, mas lalo tuloy kaming naniwala na iba na nga ang pagtitinginan nila ni Dennis.
Ganu’n na tuloy ang pagkakilala kay Dennis na madali siyang ma-in love sa mga leading lady niya.
Sagot naman ng actor, “Hindi naman sa lahat, hindi naman sa lahat. Although alam mo ‘yun talagang minsan nangyayari ‘yun sa mga artista ‘yung mga kakilala ko ah, may mga nangyari nang ganu’n. Sa akin hindi naman palagi. Hindi naman palagi. Nagkakataon lang pero hindi naman palagi.”
Naguluhan lalo tuloy ako sa sagot ni Dennis.
Abangan na lang natin dahil magkakaaminan din iyan.
Siyempre may pinanggalingan ang isyung iyan, kaya malaki talaga ang posibilidad na totoo ‘yang isyung iyan.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis