FROM JOHN Prats, happy si Bianca Manalo na ma-link ang pangalan niya kay P-Noy.
Kung hindi naging maganda ang split-up ni Manalo sa dating boyfriend na nakipag-split sa kanya thru text, kay P-Noy, puring-puri niya ang bagong “manliligaw”. Plus point ito para sa dating beauty queen na ligawan siya o sabihin na natin na interesado sa kanya ang presidente.
From Grace Lee to Liz Uy and to Len Lopez, heto si Bianca ang bago ni P-Noy.
Hopefully, ‘wag mausyami. Sana mag-materialize ang romansang P-Noy at Bianca, at tigilan ang denials at baka i-wish ng mga mangkukulam na magkaroon ng katuparan ang mga pagde-deny na ‘yan.
Ano kaya masasabi ni Kris Aquino sa bagong romansa ng kapatid niya?
MALAKI ANG respeto ko sa mga tao na marunong humingi ng dispensa. I don’t know Jonas Gaffud of Mercator Model Management personally pero sa bogus interview and statement ng alaga niyang si Benjamin Alves who was quoted ng isang Dubai based tabloid (without any interviews) saying something “bad” on Daniel Padilla’s song, saludo kami sa talent manager at baguhang aktor na humingi ng dispensa sa mga na
ging reaction ng mga taga
hanga ni Daniel.
At least, si Benjamin hindi katulad ni Elmo Magalona and Julie Anne San Jose who were mocking Daniel’s song caught on video.
May boses man o wala, sintunado man o nagpipilit na maging singer, at least si Daniel, may solo concert sa Smart Araneta. Keri n’yo?
ILANG TULOG na lang, eleksyon na. Sino kaya sa mga kandidatong tumatakbo ang makauupo sa puwesto na gustong “mag-lingkod” sa sambayanan?
Sa mga survey, may mga na-ngungua pero may ilang nagdududa. Sabi nila, kung sino ang nagpa-subscribe sa pa-survey, malamang sa hindi malaki ang ibinayad ng mga ito sa kumpanya na nagsasagawa ng naturang survey. May puntos din kasi na maimpluwensyahan ang publiko, ang botante sa resulta.
Pero kung ako ang tatanungin, to hell sa mga surveys na ito. Basta ako, kung sino ang may sinseridad na maglingkod sa bayan at walang kaso ng pangagantso, pandaraya at nagpapakitang tao lang, siya ang iboboto ko.
Si Vice Ganda ay very vocal na interesado siya kay Teddy Casiño. Gusto ni Vice pag-aralan pa ang pinagmulan at track record ni Casiño sa paglilingkod-bayan.
Si Dingdong Dantes, aminado at diretsahang iboboto si Rissa Hontiveros sa pagka-senador. Nagsimula yata ang pagiging “involved” ng aktor sa wastong pagli-lingkod mula nang makatangap siya ng librong Tibak mula kay journalist-activist and part-time actor na si Joel Saracho na sinimulan na niyang basahin, pero hindi pa niya ito natatapos. Good choice, Dong!
Si Kuya Boy Abunda, sa simula pa lang ay very open sa pagtulong sa party-list na Ang Ladlad (#28). Naniniwala ang celebrity host na panahon na para magkaroon ng boses ang mga LGBT (lesbian, gay, bi-sexual and transgenders) para marinig ang kani-lang hinaing para sa karapatan nila.
The other week, Bemz Benedito came to see me para magbigay ng mga taurpaulin ng Ang Ladlad na nakasabit na sa harap ng apartment ko together with the poster of Rissa Hontiveros na pinaniniwalaan ko.
I just wonder, ‘yong mga kandidatong may mga pera, magkano kaya ang ibinabayad nila sa mga TVC (television commercials) ng mga nag-eendorso sa kanila?
Si Coco Martin, magkano kaya ang ibinayad sa kanya ni Sonny Angara para sumayaw at gumiling sa entablado kapag nangangampanya ito sa mga school campuses? Sabi, libre raw tulad ang tulong na ipinamalas ng aktor sa “ama” na si Richard Gomez sa Ormoc at kay Aga Muhlach sa Cam Sur.
Ang mag-asawang Zoren Legaspi at Carmina Villaroel na may TVC para kay Mary Grace Poe, magkano kaya ang siningil? Presyong friendship?
I just hope, ang mga artista natin na nag-eendorso ng kandidato, alam nila kung ano ang plataporma ng pulitikong iniendorso nila. At least alam sana nila ang mga adbokasiya ng mga pulitikong ibininibenta nila.
Kung sa bagay, sa showbiz, hindi maiwasan ang “friendship deal”. ‘Pag nagkataon, sige kayo, kasali kayo sa susumbatan ng sambayan kapag pumalya ang kandidato ninyo sa pangako na maglilingkod nang totoo.
Reyted K
By RK VillaCorta