16 Years old lang pala ang dalagita na si Bianca Umali. Dahil naka-home studies siya, she’s on her 3rd year in high school. She studies based on her free time. Kapag ready na siyang kumuha ng exam, pupunta siya sa school kung saan connected ang kanyang home studies program.
“Mahirap din po ang home studies. Iba pa rin kasi ‘yong regular classroom set-up,” sabi ni Bianca sa amin.
Sa kanyang home studies program, siya ang mag-isang nag-aaral ng kanyang mga lessons without the help of a tutor. “Matatapos ko rin po ito,” sabi niya,
Pretty si Bianca Umali. Petite. Bagay sila ng ka-love team na si Miguel Tan Felix na kung titingnan mo ang itsura nilang dalawa, they look almost the same.
In short, p’wedeng-p’wede. Bukod sa pagiging pleasant ng mukha ni Bianca, maituturing na isa siya sa may pinakamagandang mukha sa mga kabataang artista ngayon sa kampo ng GMA Kapuso Network.
No wonder, dahil malakas ang love team nila ni Miguel, ang GMA, may bagong afteroon teleserye para sa kanilang mga fans na magsisimua na next week (January 18) pagkatapos ng Eat Bulaga, ang “Wish I May” based sa hit song ng Pambansang Bae na si Alden Richards
Tinanong namin si Bianca kung ang ka-love team niyang si Miguel ay nanliligaw sa kanya, ngumiti lang siya at saka tumingin sa kinaroroonan ng binata at muling humarap sa amin na nakangiti.
Sa afternoon serye, makasasama ni Bianca si Camille Pratts who will play as her mother at mga character actresses tulad nina Alessandra de Rossi, Glydel Mercado, at Rochelle Pangilinan mula sa direksyon ni Neal del Rosarion at Mark Sicat dela Cruz.
I just wonder kung bakit anong meron sa Manila City Hall clock tower na sa background ng mga tarpaulin ng show, standee at mga photos etc. ay very prominent sa bagong afternoon serye.
Sabi ni Bianca, “Mahalaga sa amin ng mother ko sa teleserye ang location po na ‘yan. Hindi pa po kasi nakukunan ‘yong mga eksena namin d’yan kaya hindi ko po alam ang buong detalye. Pero mahalaga po ‘yong Manila clock tower sa amin ni Tita Camille,” paliwanag ng dalaga.
Reyted K
By RK VillaCorta