Biazon, Naka-Two Hits

SA MGA na-kalipas ay kay daming masasamang balita na gumigising sa atin gaya na lamang nitong pagkalunod ng marami na-ting kababayan sa flashflood na dulot ng bagyong “Ferdie”.

Pero sa kabila nito, may magagandang balita pa rin naman na dapat na-ting ipagpasalamat.

Gaya na lamang nitong balita na kahit binabayo ang bansa ng bagyo, may mga ahensiya ng gobyerno tayo na hindi nagpapabaya sa kanilang trabaho. Kayod kalabaw pa rin, ‘ika nga.

Eksampol na itong Bureau of Customs (BoC) sa pamumuno ni Commissioner Ruffy Biazon.

Aba’y sa loob lamang ng isang araw ay dalawang trabaho ang na-accomplish ng kanyang grupo.

Kung baga sa mga mahilig bumaril, nakasapol siya ng dalawang ibon sa isang putok lamang.

Bihira iyan sa isang Cabinet official, maliban na lamang kung masipag siya tulad ni Biazon.

Sabi nga, pagaling nang pagaling ang mga operatiba ng Bureau of Customs (BOC) simula nang hawakan ng dating kongresista.

Para bang wala silang kapaguran sa paglutas ng mga problema na hindi naman kataka-taka kasi’y ang kanila mismong boss ay napakasipag namang talaga.

Sa panahon ng tag-ulan, alam na-ting diyan nagkakahigpitan ng supply sa bigas kasi’y mahina ang ani ng ating mga magsasaka. Ngunit ayon nga sa NFA, sapat naman ang imbak nilang bigas para sa mga nangangailangan sakaling sumapit ang mga bagyo.

Pero sa panahon ding ‘yan lumalabas ang mga mapagsamantala gaya ng mga ismagler na nagpapalusot ng bigas.

Ang kaso, hindi sila ngayon makalusot sa pagbabantay ni Biazon sa BoC gaya ng nasabat ng Task Force REACT na 45,000 sakong bigas na nagkakahalaga ng halos P43 milyon sa Port of Subic.

Sa araw ring ‘yon, ang isa pang team ng Biazon-Task Force REACT sa pakikipagtulungan ng PDEA sa NAIA Terminal 1 ay nakasabat naman ng P15 milyong halaga ng Shabu sa isang Singaporean.

Kung hepe siguro ng pulis si Biazon, baka marami na siyang natanggap na medalya sa kanyang PNP chief dahil sa mga accomplishment na ito.

Tiyak na apektado na naman ang kabuhayan ng ating local farmers kung nakalusot ang 90 40-footer container van na naglalaman ng bigas sa Port of Subic.

At kung nakalusot din ang shabu sa NAIA na dala-dala ng Singaporean, marami na namang kabataan ang sisi-rain ng droga.

Kaya maraming salamat kay Pangulong Noynoy dahil hindi siya nagkamali na maglagay ng magaling na tagapagbantay sa BoC sa katauhan ni Biazon.

Sa kanyang ikatlong SONA, may maipagmamalaki siya sa kanyang pag-uulat sa bayan.

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleMay Kinalaman sa Trabaho ang Pagkamatay?
Next articleChaplin at Dolphy

No posts to display