Almost 19 years na rin pala ang aktor na si Biboy Ramirez sa showbiz. Akala ko nga, semi-retired na ang aktor at panaka-naka ko na lang siyang napanonood sa telebisyon at sa mga pelikula. ‘Yun pala, may ibang pinagkakaabalahan ito.
Kaya nang makita ko siya sa maliitang presscon ng 2016 MMFF entry na “Oro” na pinabibidahan ni Irma Adlawan, natuwa ako. Sayang kasi, we need actors like Biboy.
By accident lang pala ang pagkasama niya sa pelikula na dinirek ni Alvin Yapan. Nakilala niya ang kanyang director sa isang party na at that time ay nagka-casting para sa pelikula. Pangalawang encounter nila, sa isang awards night hanggang sa mag-decide si Direk Alvin na mapabilang siya sa pelikula.
Napunta kay Biboy ang role bilang Lando as a small scale gold miner sa isang maliit na bayan sa Caramoan, Camsur. Sa Barangay Gata, kung saan ang massacre ng apat na mga minero ang naging basehan ng kuwento ng pelikula. Isa ang karakter ni Biboy sa napatay sa pelikula.
Paniwala ng aktor, destiny raw ang pagkasama niya sa pelikula. May mga desisyon kasi si Biboy sa buhay niya noon na naging dahilan para mahantong siya sa kasalukuyang estado ng buhay niya ngayon. Pero happy siya sa kasalukuyang estado ng buhay niya.
“Everything is chill and smoothly flowing. Masarap din ‘yong hindi masyadong busy. Maraming time to spend with my loved ones,” pagkukuwento niya sa private message niya sa amin sa Facebook.
Akala ko nga nag-asawa na siya o may anak na. “I’m already 35 years old. Not married. No kid.”
Kuwento pa niya sa amin sa FB, “I practice my photography. I write and direct viral commercials. I direct mall shows, pero sa acting pa rin ako umuuwi.
Hindi itong “Oro” ang first indie project na ginawa ni Biboy. Naging bahagi rin siya ng “Ned’s Project” ni Direk Lem Lorca.
Nagsimula si Biboy sa paggawa ng indie films noong 2009 sa direction naman ni Will Fredo (na ngayon ay bahagi ng FDCP).
“Nag-e-enjoy ako doing indie films. It’s more relaxed. Bihira ang nagmamadali and at the same time very professional lahat. I liked it,” kuwento ng aktor sa amin.
Sa pelikulang “Oro” na may advocacy on protecting the environment, ang daming natutunan ni Biboy.
“Marami akong natutunan sa pagbubuo ng Oro. Isa na rito ay ang realidad na hindi lahat ng legal ay tama. Hindi lahat ng illegal ay mali,” pagkakasulat niya.
Ngayon, I need to watch “Oro” para mas lalo kong maintihan ang realization ni Biboy sa pelikula at kung ano ang natutunan niya tulad ng kanyang tinuran.
Reyted K
By RK VillaCorta