Bading man ang magaling na stage actor/director na si RS Francisco na bida sa pelikulang “Bhoy Intsik” ng Sinag Maynila Film Festival, hindi raw siya katulad ng iba na mahilig sa beauty contest.
Ayon kay RS, na nagpalit ng screen name to Raymond Francisco, wala rin daw siyang mga kilalang beauty queen.
“Hindi ako mahilig sa mga Miss Gay, Miss Universe. Like ‘yung Miss U recently, kausap ko si Gretchen (Barretto), ‘Honey, mag-i-start na ‘yung Miss Universe, watch us.’ Sabi ko, ‘Girl, patulog na ako. I don’t like mga Miss U na ‘yan, kayo na lang, balitaan mo na lang ako.’ I don’t even know the beauty queens,” kuwento niya.
May paliwanag din siya kung bakit Raymond at hindi na RS ang kanyang ginamit na pangalan sa “Bhoy Intsik”.
“Ferdie Lapusz said, for international screenings dapat full name. Mas seseryosohin daw ako kung ang gagamitin kong pangalan is Raymond which is my real name din talaga,” katwiran niya.
Hirit pa niya, “Hindi naman talaga ako RS, eh. Raymond naman talaga ang pangalan ko, kaya lang naging RS dahil sa ‘M Butterfly’. Kasi sa ‘M Butterfly’ I played a girl, not bading ha, I played a woman,” sabi pa niya.
Kasama ni Raymond sa “Bhoy Intsik” si Ronwaldo Martin. Sa direksyon ito ni Joel Lamangan at produced ng Frontrow Entertainment.