“Naisip ko po kasi na naging co-dependent na pala kami sa isa’t isa,” dahilan ni Jin sa rason ng kanilang hiwalayan.
“But then kasi hindi ko kayang mag-isa, hindi niya naman kasalanan yon. Kasalanan ko na kailangan ko siya para makagawa ng mga bagay.”
Naghiwalay sina Jin at ang girlfriend nitong May 2020 habang kasag-sagan ng pandemic.
“Naisip ko na okey kami pero nung nag-lockdown parang hingi lang ko nang hingi. ‘Uy, usap tayo.’ Siya din hingi nang hingi. Hindi kami buo, so nakaka-drain.
“Ang cause ng hiwalaya naman ay ako at siya. Ako po yung nakipag-break. Nakikita ko na rin siya na nahihirapan and na-feel ko na meron talagang mali sa akin,” pagtatapat ng binata.
Sa palagay ba niya, ano ang kanyang naging pagkakamali?
Dahilan niya, “Kasi I’m a kid from Cebu. Buong buhay ko talaga nando’n ako. Pero kahit palipat-lipat ako ng bahay, pero my roots sa Cebu talaga. Now that I’m older and I’m trying to pursue something that I want for my life, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
“I was very lost… I lost mysef kasi sa Cebu kilala ako ng mga tao in the sense na hindi ko na kailangang magsabi or ipakita kung sino ako. Pero dahil nga gusto ko yung pagtingin nila sa akin lagi ko na lang ginagawa yung gusto nila.
“Hindi ko nagagawa yung gusto ko. Hindi ko nakikilala yung sarili ko, kasi nando’n ako sa Cebu that was my comfort zone. Ngayong nandito ako sa Manila hindi ko kilala yung sarili ko – parang sino ba ako? Anong ipapakita ko? Hindi ko naman alam anong ipapakita ko?
“So yon, this lockdown is a blessing in disguise, I know it’s not the same for everyone, pero this is the time that I had to slow down and , mag-isip, tanggapin kung sino ako, kilalanin kung sino ako,” pagbabahagi pa niya.