HINDI LANG isang artista si Richard Gomez. Lingkod bayan din siya sa Lungsod ng Ormoc sa Leyte kung saan sa kanyang first term ngayon, positibo ang mga feedback na nakukuha namin mula sa mga kaibigan at nakakakilala na taga-Ormoc.
He is a working Mayor of Ormoc,”kuwento sa amin ng isang kaibigan na trave lagent na si Marianne Tismo ng Amkor Travel na may branch sa Ormoc ang kanyang negosyo.
Ang maganda kay Mayor Goma, para sa mga constituents niya ang mga ginagawa niya. Ang mga magagandang feedback ng mga kababayan niya ay mula sa taumbayan mismo na napapagserbisyohan ng opisina niya and from his press office. Meaning, hindi press release.
Isa sa mga achievement ni Mayor Goma na sa kabial ng kabisihan ng mga schedules niya sa pamamalakad ng Ormoc, may panahon pa rin para ilaan sa kanyang sining.
Yes, hindi lang isang aktor si Goma bukod sa pagiging public servant ng kanyang lungsod kundi isa rin siyang visual artist.
Sa umaga bago pumasok sa Ormoc City Hall, magpi-pinta muna siya para ibigay ang hilig nito as a painter.
Sa katunayan, sa recent one-man exhibit niya sa Pinto Gallery sa may Antipolo, halos sold-out ang mga visual paintings na isinama niya.
Kaya doon sa mga hindi naka-witness sa naturang exhibit, mas pinalapit ng Art Fair Philippines ang mga paintings ng aktor na makikita on display simula March 1-4 sa Booth 12, Level 5 at The Link Ayala Center, Makati (katabi ng Shangrila-Makati).
Sa naturang booth, makakasama ni Goma si Charlie Co (I think siya ang artist from Bacolod City) at Lynyrd Paras.
Sa pagiging disiplinado ni Mayor Goma (bilang artista, public servant at pintor), ewan ko na lang kung may mga kalaban siya sa pulitika na iintrigahin pa ang pagiging mayor niya kasabay ng pagso-showbiz niya at passion as a painter.
Reyted K
By RK Villacorta