TAHIMIK NA bigla si Sharon Cuneta sa Twitter. Wala na siyang messages kaya naman nami-miss na siguro siya ng kanyang fans.
Actually, ang last message ng Megastar was posted November 14 pa.
Bakit kaya biglang natahimik ang singer-actress sa nasabing social networking site? Could it be because she’s very busy lalo pa’t nalalapit na ang Kapaskuhan? O baka naman meron siyang importanteng bagay na inaasikaso.
Puwede rin namang pinagsabihan siya ng mga bossing ng TV 5 na maghinay-hinay dahil lately ay pawang pagpatol at walang habas na pagpatol sa kanyang bashers ang kanyang inatupag.
Teka, baka naman busy si Mega sa paggawa ng cake na siyang regalo niya kay Kris matapos niya itong patutsadahan sa Twitter.
NAG-SORRY SI Kris Aquino sa model-DJ na si Callum David.
Kasi naman, napagpalit ni Kris ang name ng binata at ginawa niya itong surname nito.
“Shooting Sisterakas w/ aiaidelasalas & DJ David Callum,” Kris tweeted recently. But it turned out that he’s Callum David pala. Na-discover na lang ito ni Kris when a follower corrected her.
“Is it supposed to be David callum? Parang Callum David po?” pagtatama ni @HKPrincess05.
“Ai Ai introduced him in the scene as David Callum. Omg- kahiya,” sagot naman ni Kris.
Educated that she is, Kris personally tweeted Callum to say sorry for her mistake.
“@callumdavid1 I’m really embarrassed! I got so confused, really thought Callum was ur last name, but like an athlete u went by that name. Sorry- I already corrected on IG. Y did u let them introduce u in the movie scene as David Callum?”
By now you must have been muttering kung da who si Callum. Well, he’s from Brisbane, Australia who ekes out a living as DJ and model. He goes by the name DJ Vinimal when he works at different clubs in Metro Manila.
BIG DEAL pala maging sa Twitter ang paraan ng pagpo-promote ng GMA ng kanilang shows especially soap operas.
There is one who posted her observations about how the GMA people promote its soap opera. She said that it’s always riddled with intrigues and walang katorya-toryang pagpapakilig na pekeng-peke naman.
The observer felt that hindi nag-level up ang promo blitz ng GMA. Hindi ito nagbago at parang walang balak baguhin ang strategy.
“Masisi mo ba kung bakit kay gagaling na ng artista nyo eh tingin ay waley pa rin paano ang promo nyo panay KiLiG at chismis#GMAPwedeBa,” tweet ni Pinay Chismosa.
#GMAPwedeBa nagiimprove din po audience, kahit SPG eh pinapanuod dahil sa story, di lahat nakukuha sa controversy. I-upgrade ang promo/marketing strategies Internet Age na po di lang po KiLIG factor ang kailangan…,” tili pa nito.
Isang follower ang nag-compare sa Dos at sa Siyete.
“Watched StarTalk, this is d dif bet ABS-CBN & GMA. ABS-CBN stars do’nt destroy their collegues 2 promote their show. Very disappointed,” sabi ng follower.
“ABS-CBN peeps present themselves as united even if they have different projects. There is respect from each other,” Pinay Chismosa said.
That’s very well said. Actually, Pinay Chismosa has a point. Halata namang pekeng-peke ang pagpapakilig sa mga interviews ng GMA stars. Take the case of Elmo Magalona and Julie Ann San Jose. Alam naman nilang taken na si Elmo ni Lauren Young pero sige pa rin sila nang sige sa pagli-link dito kay Julie Anne. Ganoon din ang slant nila kina Kris Bernal at Aljur Abrenica when people knew naman na may Kylie Padilla na si Aljur.
Naku, Pinay Chismosa kilala mo ba si Angel Javier, ang head ng corporate PR ng Siyete? Sa kanya mo i-direct ang observations mo at baka sakaling pakinggan ka niya. But we doubt it.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas