Biktima II

UMANI NG REAKSYON, (Biktima, Nov.7). ‘Di lang si businessman Chris Pangilinan ang nabiktima ng mga sulsulerong abogado na nakatambay sa Department of Labor and Employement (DOLE). Sumulat ang tatlong negosyante sa Iloilo, Davao at Laguna para ilahad ang kanilang karanasan.

Si Gng. Luzviminda (‘di kanyang tunay na pangalan), 49, tuna digger sa Davao ay sinampahan din nung 2009 ng trumped up cases or human trafficking ng ilang empleyado. Dahil sa mga pananakot ng mga sulsulerong abogado, napilitang maglagay ng malaking halaga sa mga ginatungang complainants. Ganito rin ang kapalaran ni Gng. Maravilla (Iloilo) at Gng. Natividad (Laguna) – mga ‘di tunay na pangalan. Maraming nag-text na katulad ng kanilang karanasan.

Kamakailan ipinahayag ni P-Noy ang pagpapatibay sa criminal justice system. Kapuri-puri ito. Subalit dapat diinan din ng pansin ang pang-aabuso sa ating anti-crime laws kagaya ng ating anti-human trafficking. Kawawa naman mga legitimate at inosenteng negosyante na nabibiktima.

Maraming ‘di makapaniwala na si Pangilinan ay maaakusahan ng ganyang karumal-dumal na kaso. Siya ay isang modelong negosyante, patas tumarato at sumusunod sa lahat ng alituntunin ng batas. Ang kanyang family life ay kahanga-ha-nga. Matulungin sa kapwa at sa mga mahihirap. Sa pag-employ niya ng maraming fish workers sa loob ng 45 na taon, nakatulong siya sa ekonomiya at bansa. Sa loob ng ganyang taon, ni isang labor complaints walang naipasa sa kanya.

Dapat suriin ng kinauukulang awtoridad ang paratang kay Pangilinan. Ang buong katotohanan, siya’y isang stockholder lang ng isang kumpanyang nagre-recruit sa mga nagrereklamong fish workers. Bakit siya tina-target ng paratang.

Dapat ding imbestigahan ang mga illicit activities ng mga sulsulerong abogado sa DOLE. Batik sila sa ahensya. Ang ganitong uri ng abogado ay nasa paligid-ligid din ng DOJ.

Katungkulan ng pamahalaang bigyan ng proteksyon sa batas ang mga negosyanteng katulad ni Pangilinan. Kung hindi, maraming masisiraan ng loob at mangingibang-bansa na lang.

Naniniwala kami sa sensiridad at determinasyon ng Pangulo. Nakikiisa kami sa kanyang pagsugpo sa kurapsyon. At palagay namin, unti-unti siyang nagtatagumpay. Sana’y ang kaso ni Pangilinan at iba pa ay malapatan ng dagliang lunas at maghari ang katotohanan at batas.

SAMUT-SAMOT

 

UMUWI AKO NOONG nakaraang araw sa San Pablo, Laguna. Dito ako ipinanganak at halos nagbinata. Dahil sa maraming gawain sa Maynila, paminsan-minsan na lang ako makadalaw.

Malaki ang pinagbago ng siyudad. Monster traffic ng mga sasakyan na karamihan ay tricycle. Pagbungad pa lang, dalawang bagong shopping malls (Puregold at SM) ang sasalubong ng pansin. Parang langgam ang mga shoppers, sabi ng kaibigan ko: Aba very progressive na ang bayan. Tumighim lang ako at nag-isip ng malalim. Kailangan natin ng more factories, ‘di more shopping malls. Para umasenso, kailangan ang production, ‘di consumption.

ISANG NEGOSYANTENG MAY pusong ginto, nag-donate ng tatlong banyerang isda para sa aking weekly feeding project para sa mahihirap. Pinagkaloob ko ang mga ito sa settlement house sa Paco, Manila at home for retired priest sa Quezon City. Abot sa langit kanilang pasasalamat.

NAKAKABAGBAG-DAMDAMIN ANG NAKITA ko sa home for retired priest. Kulang-kulang 48 retired SVD priest with ages ranging from 70 to 96 ang naninirahan dito at inaalagaan ng mga volunteers galing sa civic religious organizations. Salaminin natin, pinagkaloob nila halos buong buhay sa paglilingkod sa Diyos at kapwa tao. Lahat sila ay may malubhang karamdaman at umaasa na lang sa pag-aaruga ng nagmamalasakit na tao. Ang naging buhay nila ay buhay ng pagsasakripisyo, pagkawala sa pamilya, kamag-anak at kaibigan at pagtalikod sa comforts at karangyaan ng mundo. Kahanga-hanga silang mga nilalang na dapat pagmalasakitan sa kanilang katandaan.

NAAAWA KAMI KAY Sen. Bong Revilla. Sa nangyari sa kanyang pamilya, para siyang nahulog sa kumunoy. Lumalala nang lumalala ang developments sa kaso ng pagpaslang ng kanyang half-brother. Politically affected din siya. Pinagdarasal naming malampasan niya ang ganyang unos na dumarating sa lahat ng tao.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleSibakin ang BIR Commissioner; at droga sa Batangas
Next articleModus sa phonebook ng cellphone

No posts to display