Biktima III

NAKATANGGAP ANG PITAK ng tawag sa isang mataas na opisyal ng Department of Labor and Employement (DOLE) tungkol sa nakaraang columns (‘Biktima’). Nangako siya na susuriin ang ating mga alegasyon at isasaalang-alang  ang panig ng negosyanteng si Pangilinan. Nagpapasalamat kami sa prompt response. Nagpapatunay ang pagkaepisyente at responsiveness ng ahensya. Babantayan natin ang kanilang susunod na hakbang.

Ang kaso ni Pangilinan ay dinala rin natin sa atensyon ni Sen. Jinggoy Estrada, chairman ng Senate committee on labor. Nangako ang butihing senador na tututukan niya ang kaso at bibigyan ng hustisya si Pangilinan. Tatawagan din niya ng pansin ang pinuno ng DOLE.

Nakagagalak na ang dalawa nating pitak ay nagbunga ng positibo para kay Pangilinan. Ayon sa mataas na opisyal ng DOLE, bukas ang kanilang tanggapan sa iba pang nabiktima. Lilinisin din nila ang paligid ng ahensya ng tinaguriang sulsulerong ahensya na nagbibigay batik dito. Napag-alaman din natin na ang legal counsel ni Pangilinan ay nag-file na ng counter affidavit sa prosecutor’s office sa Dumaguete tungkol sa alleged anti-human trafficking charges sa negosyante. Umaasa si Pangilinan na magiging patas ang prosecutors.

Samantala, nabatid namin na titingnan muli nang masusi ni Vice President Jojo Binay ang kaso ni Pangilinan. Magandang development. Alam naming ang isip at puso ni Binay ay para lamang sa tama at patas. Isa siyang noted human rights lawyer at kailanman ‘di papayag pumanig sa nag-aabuso sa batas. Samantala, hinihimok namin ang iba pang biktima na lumantad para matulungan ang kanilang pananahimik. Ang kanilang pananahimik ay hindi makakatulong sa pagsugpo ng ganitong gawain.

SAMUT-SAMOT

ANO NA ANG nangyari sa conditional cash transfer (CCT) project sa mahihirap? Nagpapabago ba ito ng kanilang uri ng pamumuhay? O nag-develope lamang tayo ng culture of mendicancy. Halos 7 bilyong piso ang naipamahagi ng DSWD sa hanay ng beneficiaries. Dapat may transparent accounting si Sec. Dinky Soliman.

Sa kalagitnaan ng buwang ito, 500 days na sa pamamahala si P-Noy. Tanong: May malaki bang pinagbago sa uri ng buhay ng nakakarami? Presyo ba ng pangunahing bilihin ay bumaba? Peace and order situation ba ay bumuti o lumala? Basic questions, dapat sagutin para mahusgahan nang matino at patas ang 500 araw ng pangulo.

SA TOTOO LANG, tunay na may karamdaman ang dating Pangulong GMA. Bakit nagpapatumpik-tumpik pa sa desisyon ang pamahalaan. Let her go and seek medical treatment of her. ‘Di kami naniniwala ang dating Pangulo ay ‘di babalik. Ang issue ay humanitarian, ‘di political.

‘PAG NAGKIKITA-KITA KAMING mga senior citizens, paksa ng usapan ay health matters. Taas ng cholesterol, muric acid, blood pressure at iba pa. Nu’ng aming kabataan, paksa ay gimiks at happenings sa mga bars at ibang aliwang lugar. Marami sa amin, daing na lang nang daing. ‘Di makatulog, masakit ang sikmura at balakang, rayuma at constipation. Talagang ganyan.

NOONG NAKARAANG NOVEMBER 11, nagdaos ng 70th b-day si VP Binay. Sa kanyang edad, napakalusog pa at very physically active. Ang kanyang political star ay lalong nagniningning. Kung talagang kanyang kapalaran, Malacanañg is not far behind in 2016. Bakit hindi? Among the presidential hopefuls, he is the most experienced at qualified. Tingnan mo nga naman ang kapalaran. Dati pobre at walang-wala. Sa pamamagitan ng pagsusumikap, makatao at tapat na paglilingkod, binasbasan siya ng maraming biyaya. Ganyan ang gulong ng buhay.

ISA SA MGA most sought after lawyers ngayon sa bansa ay si Atty. Ferdie Topacio. Siya ngayon ang lead counsel ni dating First Gentleman Mike Arroyo. Bago niya tinanggap ang alok, nagpaalam siya sa matalik na kaibigan, ang dating Pangulong Erap. Binasbasan siya. Aba tanggapin mo ‘yan. You’re a lawyer and your oath is to minister those who need your professional services. Payo ni Erap.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleIza Calzado, todo ang pagdamay ng mga kaibigang celebrities
Next articleFloating status

No posts to display