ANG HARASSMENT SA isang Navotas businessman ay patuloy pa rin. Sa kasalukuyang inuusig na kaso on alleged Violations of Anti-Human Trafficking in Person Act sa Provincial Prosecutor’s Office, Dumaguete City, Negros Oriental, biglang idinawit si Crispulo Pangilinan bilang isa sa mga akusado. Ang kaso ay isinampa ng 38 fishermen mula sa Ayungon, Negros Oriental laban sa isang Andre Labao. Iginiit nila si Labao ay ni-recruit sila sa isang 10-month fishing expedition in international waters off Palawan at diumano lumabag ang recruiter sa Anti-Human Trafficking in Person Act.
Agad-agad nagsumite ng counter-affidavit si Arnold Naval, legal consel ni Pangilinan at pinanindigan ang mga sumusunod:
Sa orihinal na reklamo, si Labao lamang ang pinangalanang akusado;
Subalit sa amended complaints isinama si Pangilinan sa co-accused dahil siya raw ang “owner” at “operator” ng PESCA Maharlika Resources Inc., fishing company diumano na nag-recruit sa mga complainants.
Ngunit ang buong katotohanan, si Pangilinan ay di kailanman naging “owner” or “operator” ng PESCA. Sa mga isinumiteng dokumento, walang nagpapatunay nito;
Walang sinumang nagbanggit sa kanilang complaint affidavit kay Pangilinan. Hindi kilala si Pangilinan isa man sa kanila.
Matatandaan na si Pangilinan ay idinawit sa isang kaso diumano ng violations of labor standards na sinampa sa Department of Labor and Employment (DoLE). Napag-alamang ito ay kagagawan ng mga tinaguriang “sulsulerong abogado” na nakaistambay sa DoLE. Ang modus operandi ay takutin at bakalan ng salapi si Pangilinan para iurong ang kaso laban sa kanya. Laganap ang ganitong dirty operations sa ahensya na isinasagawa ng fake complainants.
Ayon sa NBI sources, tinututukan nila ang ganitong uri at laganap na “blackmail at extortion” syndicated crimes. Kinasasangkutan diumano ng fake complainants in cahoots with unscrupulous lawyers at prosecutors. Pakiramdam nila si Pangilinan ay nabiktima ng sindikato.
Sa anti-human trafficking case, nakapagtataka kung bakit parami nang parami ang complainants. At bakit kung sinu-sinong inosenteng tao ang idinadawit pati ang tinaguriang “debt bondage” isyu ay katawa-tawa at malinaw na gawa-gawa lamang.
Sana’y buwagin ng awtoridad ang sindikato. Kung hindi, marami pang madadawit na inosenteng mamamayan. Nararapat bigyan ng proteksiyon ng pamahalaan ang negosyanteng tulad ni Pangilinan. Hinihimok din namin ang mga prosecutors na maging patas at ayon sa batas ang kanilang paglilitis. Nahahabag kami kay Pangilinan ngunit nananalig na ang batas at katotohanan ay laging magtatagumpay.
SAMUT-SAMOT
MGA DATING PUMAPALAKPAK kay Manny Pacquiao ay siya ngayong naninira sa kanya. Ganyan ang gulong ng buhay. Kaya ‘pag ikaw ay nasa tugatog ng tagumpay, dapat magpakumbaba at ‘di magbago. Masakit na leksyon kay Pacquiao.
NAPANOOD KO ANG replay ng 2nd fight ni Joe Frazier at Muhammad Ali sa ESPN. Madugo at brutal ang labanan. Sa kauna-unahang pagkakataon tinamaan ng knock-out si Ali at bumagsak sa canvass. Nagwagi sa laban si Frazier.
Bumawi si Ali sa ikatlong return bout sa tinaguriang “Thrilla in Manila”. Bugbog-sarado ang mukha ni Frazier at naging undisputed greatest heavyweight champ of the world si Ali. Ngunit ano na si Ali ngayon? Biktima ng incurable Parkinson’s disease dahil sa tama ng mga suntok sa ulo. Na-paralyzed ang brain nerves at central nervous system. Ganyan ang kapalaran ng halos mga retiradong boksingero. Dapat pag-isipan ito nang masusi ni Pacquiao.
KALAT NGAYON ANG respiratory ailments gaya ng ubo, lagnat at sipon. Dapat mag-ingat at palakasin ang immune system. Bitamina, exercise, maraming tubig at right diet ang dapat gawin. Ang respiratory ailments ay suki ng mga senior citizens or elderly. Kahapon sinabi ng kaibigang Gus Villanueva, editor ng People’s Journal chain, siya raw ay ‘di alisan ng ubo at sipo. Pabalik-balik. Wika ko, dahil sa laging pag-iiba ng panahon. Tuwina’y biktima din ako ng ganyang karamdaman.
PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez