Biktima V

MAY REAKSYON ANG Concerned Citizens for Speedy Justice (CCSJ) sa nakaraang pitak (Biktima IV). Sa pamamagitan ni Atty. Joselito Cordova, CCSJ president. Ipinahayag ng association ang kanilang pakikiisa sa krusada laban sa sindikatong bumibiktima sa maraming legitimate businessmen sa bansa.

Mga highlights ng kanilang liham:

“Hindi ka nag-iisa G. Cris Pangilinan. Pinupuri ka namin dahil sa paglantad mo at pagkondena sa sindikato. Sana’y lumantad din ang ibang nabiktima para tayo’y magsama-sama sa laban.

“Kami ay nag-cocoordinate sa maga local chapters para sa paglulunsad ng sambayanan ng information drive. Tutulong naman ang kapulisan, mambabatas at iba pang ahensya upang puksain ang sindikato.”

Ang CCSJ ay nationwide na samahan ng concerned citizens na ang adhikain ay paimbabawin ang patas at mabilis na hustisya laban sa lumalabag sa batas. Mayroong over 3000 local chapters sa major provinces at cities. Nakatutok sila sa mga high-profile crimes gaya ng kidnap-for-ransom, carnapping, at human trafficking. Kamakailan, pinarangalan sila ng major TV networks dahil sa kanilang misyon.

Nabahala si lawyer Arnold Naval, legal counsel ni Pangilinan, na parami nang parami ang complainants sa kaso. Hinala niya, kumikilos nang mabilis ang sindikato para idiin agad ‘di lamang si Labao kundi pati ang kanyang kliyente.

Subalit nagtitiwala at nananalig siya sa fairness ng mga prosecutors. Umaasa rin siya na ang kaso sa DOLE ay magiging patas din ang desisyon.

Samantala, nag-alay rin ng suporta ang Alliance for Media Freedom (AMF) kay Pangilinan. “Kasama mo kami sa laban.  Panahon nang dapat masupil ang ganitong gawain. Sa abot ng aming makakaya, maaasahan mo ang aming tulong at pagtutok sa iyong sitwasyon,” pahayag ni Bernardo Montejo, AMF president.

Mga development ay positibo sa negosyante. Nagpapatunay na maraming mga concerned citizens ang ‘di nagdadalawang-isip na tumulong sa mga aggrieved citizens gaya ni Pangilinan. Ang diwang ito ay heroic spirit of Pinoy.

Ang pakikibaka sa lahat ng uri ng krimen ay ‘di lang tungkulin ng pamahalaan. Ito ay tungkulin ng lahat ng mamamayan.  May kasabihan sa Ingles: “Evil triumphs if good men do nothing.” Lahat ay dapat maging vigilant at civic-minded.  Tumulong sa pagsugpo ng krimen sa ating komunidad. Makiisa sa krusada laban sa krimen. Tulungan natin ang isang negosyante gaya ni Pangilinan. Bigyan siya ng hustisya at buwagin ang sindikatong bumibiktima sa kanya.

Kaugnay nito, minumungkahi naming bigyan ng sapat na logistical support ang PNP, NBI at iba pang anti-crime agencies. Taasan din ang sahod at iba pang privileges para umangat ang antas ng buhay at mapag-ibayo ang init ng paglilingkod.

SAMUT-SAMOT

AKIN ANG HULING halakhak. Marahil ito ang reaksyon ni dating Pangulong Erap sa pagka-aresto ni CGMA. Subalit higit pa rito ang kanyang reaksyon: Karma. What goes around, comes around.

Nakakahabag ang naging kapalaran ni CGMA. At totoong napakalupit ng karma na sinapit niya. Sa loob ng siyam na taon, siya ang pinakamakapangyarihang nilikha sa bansa. May karamdamang ‘di pa alam ang lunas, nahaharap siya sa habang- buhay na pagkakakulong. Presumed  innocent pa siya. Ngunit sa puso at isip ng taong bayan, kinondena na siya. Samut-samot ang kasong pagnanakaw na isinampa. Kasama rito ang Electoral Sabotage na non-bailable offense. Winasak niya halos lahat na institusyon: judiciary, kongreso, military at pati na simbahan.

Sa wakas, nagtagumpay rin ang hustisya. May Ingles na kasabihan: “From a fallen tree, everybody gathers firewood.” Iniwan siya ng dating kaalyado at kaibigan na nagsamantala at nakinabang sa kanya. Nag-iisa siyang lumuluha at naghihirap.

Si Erap na kanyang brutal na pinagtaksilan ang siya ngayong humahalakhak. Karma. What goes around, comes around. Vengeance is mine, saith the Lord.

PATOK NA ANG balita: Sharon Cuneta, pag-aari na ng Channel 5. Ito’y matapos hindi na siya pumirma ng extended contract sa Channel 2. Grabe na ang exodus sa TV network ni Manny Pangilinan. Halos lahat ng negosyo ay nakasawsaw ang bilyunaryong negosyante.

PAYO NAMIN ANG early Christmas shopping. Ngayon pa lamang ay nagtataasan na ang presyo ng pangunahing bilihin.  Ang Divisoria ay punung-puno na ng mamimili. Ganyan din ang malls at iba pang secondary shopping centers. Talagang ang Pinoy ay dinidibdib ang pagdiriwang ng Kapaskuhan. Dapat lang. Kaaliw-aliw na mamasyal sa Ayala at The Fort. Punung-puno ng mga ilaw at decors ng Pasko. Ganyan tayong mga Pilipino. Sa ating bansa, parang ipinagdiriwang ang Pasko nang mahigit na anim na buwan. Kaya kahit ano ang ating problema, nabibigyan ng lunas sa tulong ng Maykapal.

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleHulihin si Ecleo; at ang 3 bugok sa Batangas
Next articleInabandonang pamilya

No posts to display