MAGDADALAWANG taon na ngayong January 2022 mula nang inanunsiyo ng celebrity lawyer na si Atty. Ferdinand Topacio ang pagsabak na rin niya sa pagpo-produce ng pelikula, mula sa itinatag niyang Borracho Films Production.
Ang kontrobersiyal na “Mamasapano“ ang kanyang first produced film under his new independent movie outfit.
The Mamasapano clash was a shootout that took place during a police operation by the Special Action Force (SAF) of the Philippine National Police (PNP) noong January 25, 2015, sa Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao.
Ang insidenteng ito ay nakapukaw ng atensiyon at damdamin ng publiko, dahil sa mataas na bilang ng mga nasawing police officers.
From the screenplay of Eric Ramos, the movie is the true story of the SAF anti-terrorist operation in 2015 that resulted in the tragic deaths of 44 SAF soldiers, as well as the earnest PNP probe that dared to uncover what went wrong and who’s to blame.
“Mamasapano” is based on the official reports of the Philippine National Police Board of Inquiry, the Senate, and interviews with key personalities na may mga direktang impormasyon tungkol sa mga pangyayari.
Bida sa pelikula si Edu Manzano bilang si Gen. Benjamin Magalong, with Aljur Abrenica, Paolo Gumabao, Gerald Santos, Myrtle Sarrosa, Ritz Azul, and Rez Cortez (as Gen. Allan Purisima).
Nasa cast rin sina Alan Paule (as Chief Getulio Napeñas), Juan Rodrigo (as Mar Roxas), Jojo Alejar, Rey PJ Abellana, Jojo Abellana, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Vince Rillon, Kate Brios, LA Santos, Liz Alindogan, Jay Garcia, Tom Olivar, and with the special participation of Claudine Barretto.
Pero tulad ng ibang nagsisimula sa larangan ng pagpo-produce ng pelikula, hindi naging ligtas ang kumpanya ni Atty. Topacio na maka-encounter ng mga problema sa produksiyon, tulad ng pagkaka-antala o pagka-delay sa shooting – as originally planned – dahil sa schedule conflicts ng cast and crew.
Kung kaya’t kamakailan lang, maliban sa scriptwriter na si Ramos, nag-desisyon si Atty. Topacio na palitan ang halos 100% ng production staff nito, mula sa original director na si Direk Lawrence Fajardo.
At ang kanyang napili, ayon na rin sa pagtatanong-tanong at rekomendasyon ng ilang kaibigan sa industriya, ang pumalit kay Direk Law ay si Direk Lester Dimaranan.
“Magmamatrikula ka talaga sa pagpu-produce ng pelikula!” pahayag ni Atty. Topacio nang makapanayam namin sa kanyang opisina sa Skyway Twin Towers sa Pasig City kamakailan lang.
“Of course, hindi naman tayo perpekto. Wala namang perpekto. Lahat tayo ay may mga pagkakamali at siguro, but we learn from our mistakes. Nagkakamali rin ang new movie producers.”
Bago nga kasi sa kanya ang pagsabak sa movie production, bagama’t isa siyang film enthusiast, who in fact contributes movie reviews sa broadsheets — on the side ito sa kanyang trabaho bilang isang veteran lawyer.
“Hindi biro ang pagpo-produce ng movies. Pero siyempre, pinag-aralan ko naman muna ito bago ako sumabak. Hindi mawawala ang mga conflicts, lalo na sa schedule, especially if you have a huge cast like ours.
“This is also not a propaganda film. May mga pinagbasehan ang script, no other opinions or hearsay,” pagdidiin niya.
PAGPAPALIT NG DIREKTOR AT PRODUCTION TEAM
Sometime in 2020, nagkaproblema sa shooting schedule dahil sa tag-ulan, eh laging outdoors ang mga eksenang dapat na kunan – tulad nga ng massacre scene, kaya dapat ay maayos ang panahon.
Naipangako rind aw niya ito sa mga magulang ng SAF 44 na no matter what will happen eh, he will finish the movie.
“Tatapusin ko talaga ang pelikulang ito, dahil ito ang pinangako ko sa pamilya ng mga sundalong nasawi sa SAF 44. Kaya kahit na mahirap, kahit na-delay kami, I know that there’s a reason for everything.”
As the movie’s producer, siya ay hands on sa lahat ng mga nangyayari sa produksiyon, kung kaya’t mahalaga rin sa kanya na makakasundo niya ang kanyang production team.
Matatapos na daw sana ang shooting noong May 2021, pero, sentimiyento ni Atty. Topacio, eh tila “hindi priority” ni Direk Law ang kanyang pelikula dahil hindi ito makapagbigay ng schedule to shoot.
“Wala naman silang hiniling sa akin na hinindian ko. Kaya, walang rason para hindi nila tuparin and kanilang obligasyon na tapusin ang film,” paliwanag ni Atty. Topacio.
Hanggang sa first week of December 2021 nang magkausap sila ni Direk Law.
Nailatag na nga ng direktor na talagang conflict sa sked niya ang January 3-13, 2022 date ng resume ng shooting, eh inamin ni Direk Law na hindi na niya ito magagawa, dahil sa ibang commitments.
“Naka-cluster o naka-sked na kasi ang marami kong artista, so we had to shoot. Okey naman ang pag-uusap namin ni Direk Law. Sa five days na na-shoot niya sa movie namin, marami pa rin naman ang retained, but of course, meron ring mawawala na.
“When I first met with Direk Lester, nakuha ko na agad ‘yung passion niya. Second meeting, sinama niya ang DOP (director of photography), na ang bata, si Paolo Emmanuel Magsino. Ang galing niya! Mas gusto ko rin ang mga bago, mas bata, dahil wala lang silang break.“
Bukod sa DOP na si Paolo, pasok na rin sa bagong production team ni Direk Lester sina Jose Abdel Langit (assistant director). Ericson Navarro (production designer), Juvydalyn Tesalona (associate producer), Czarina Mae Cabuniag (production manager).
Dahil bago na ang team, napalitan rin ang kanilang location manager, script supervisor, art director, talent coordinator, stylist /costume designer, fight director, production coordinators, make-up artists, camera and technical team, hanggang sa pinakamaliit na crew.
Naniniwala si Atty. Topacio na ang isang pelikula ay ang tamang medium upang makamtam ang tamang emosyon at diskusyon sa mga importanteng isyung panlipunan.
Para sa kanya, ang mga Pilipino ay may karapatang malaman kung ano ang tunay na nangyari sa likod ng Mamasapano massacre – ang mga nakaligtas, at ang mga taong dapat managot.
“This is a legacy project of mine kaya kahit na ano ang mangyari, itutuloy ko ito!” pagtatapos ni Atty. Ferdinand Topacio.