Bilang ng mga pinoy na desperado, dumarami

PAREKOY, MISTULANG LUMALALA ang internal problem sa ating bansa.

Ito ay nang lumabas sa March 4-7, 2011 survey sa 1,200 respondents mula sa buong kapuluan na 24% lamang ang may positibong pananaw sa buhay na mas mababa  ng 11% sa dating 35% noong November 2010.

Aabot naman sa 35% ang maghihintay pa ng isang taon bago gumanda ang kanilang buhay o magkatrabaho habang 11% ang nawalan ng pag-asa.

Lumabas din sa survey na 36% ang uma-ming lumala ang kanilang estado sa buhay habang 23% lamang ang nagsabing bahagyang umusad ang kanilang buhay.

Ang pagbaba ng positibong pananaw ay nakatira sa lahat ng socio-economic classes na nangangahulugan na halos lahat ng uri ng mamamayang Filipino ay dumaraing sa kasaluku-yang pamumuhay.

Hindi naman masisi si Juan dela Cruz kung bakit negatibo na ang pananaw. Eh, ikaw ba naman ang taasan ng singil sa kuryente, tubig, pasahe at bilihin tapos ‘di naman tumataas ang suweldo, baka magbigti ka na lang.

Sta. Banana… sa tindi ng mga problemang kinakaharap ng mga ma-ralita, puwera pa ng mga mayayaman gaya ng kidnapping, droga at carnapping… tila wala nang paglagyan ng depresyon si Juan dela Cruz.

Bukod pa rito ang walang tigil na pamumulitika ng kasalukuyang gobyerno na sa halip pagtuunan ng pansin ang problema ng bansa ay walang tigil sa paghahanap ng maingungusong may kasalanan.

Magpapogi man, gaya ng Cash Conditional Transfer Program na may P21-B pondo at oil-subsidy, mistulang problema pa rin dahil palpak.

Ang pag-ayuda sa pamilya ni Sally Ordinario na binitay sa China dahil naging drug mule ay tila ‘wrong message” pa rin.

Hay naku… ikaw ba, parekoy, may papasok pa bang positibong pananaw kung ganito naman ang nangyayari?

PAMAHALAAN NAGULANTANG SA ATAKE NI GMA

Parekoy, tila mga duhat na inalog ngayon ang pamahalaan sa pagbasag ng katahimikan ni dating Pangulo at ngayon ay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo hinggil sa banat sa kanya ni Pangulong Noynoy Aquino.

Giit ng dating lider ng bansa, sa halos 10 buwang panunungkulan ni Mr. Aquino dapat na itong magtrabaho at isantabi ang pamumulitika.

Aniya, naging tahimik siya upang ibigay ang respeto sa ika-15 Pa-ngulo ng bansa subalit dapat nang magtrabaho ang Pangulo dahil ang mamamayang Filipino na ang nahihirapan.

Tama na aniya ang pamumulitika gaya ng paninira sa kanya dahil kung tutuusin ay maayos niyang nai-turn over ang pamahalaan gaya ng pagkakaroon ng automated elections, matatag na piso kontra dolyar na barometro ng magandang ekonomiya.

Aniya ang mga ginagawa ng kasalukuyang administrasyon ay pagbabago lamang sa pangalan subalit ang mekanismo ay galing pa rin sa kanyang administrasyon, kaya sa halip na sisihin siya ni P-Noy ay pasalamatan ang kanyang legacy.

At ngayo’y dahil sa sinabi ni GMA, inamin ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na naguguluhan sila sa  ‘frontal attack’ ng oposisyon na may ‘leadership vacuum’.

Parekoy, simula pa lamang ito ng ‘word war’. Alam naman natin si GMA, minsan lang iyan magtaray…!

Target
ni June Briones
[email protected]
09152121303

Previous articleAnak ko, obligasyon ko
Next articleIza Calzado: From Beauty Queen to Drag Queen!

No posts to display