MANY ARE of the belief that Coleen Garcia and Billy Crawford are no longer in the courting stage.
Marami kasi ang nakakakita na palagi si Coleen sa condo ni Billy sa Eastwood. Palagi nga raw tambay roon ang dalaga.
With that ay not a few raised their eyebrows collectively when Billy, in a recent interview, admitted that he’s courting Coleen.
Ano raw? How can one say that he’s still courting a girl when many sees Coleen in her pad? Parang walang logic ‘yun, ha?
Ayaw lang talaga siguro ni Billy na mapasama sa mata ng publiko si Coleen who now earned the anaconda title. Many view her as the third wheel in Billy’s break-up with Nikki.
HANDA NA si Laguna Governor ER Ejercito na gawing star-studded ang Palarong Pambansa this year.
“We already talked to Manny Pacquiao, James Yap and the Teng brothers (Jeric and Jeron) for the opening ceremony,” Governor Ejercito declared during the Palarong Pambansa memorandum of agreement signing with the Department of Education.
“They will run one lap across the field before lighting up the torch. So maraming bago dito sa Palarong Pambansa. Pinagaganda namin ito dahil hindi ito pinapansin kaya pinasisikat natin para magaya ng ibang governors, mayors and congressmen next year.”
Pinaganda ni Governor Ejercito ang Laguna Sports Complex na meron na ngayong state-of-the-art facilities.
“Since I became a governor in 2010 and being a former athlete of La Salle Greenhills and UP Diliman ay alam ko ang kategorya ng ating atleta at iba’t ibang larangan ng paligsahan. Magmula ng ako’y maging governor at hanggang sa ngayon, kami ni Mayor Maita Ejercito ay nagging host ng sports tournamens and events gaya ng NCAA, Philippine National Games, Batang Pinoy, unity games ng Iglesia ni Cristo. Kung itong mga palarong ito ay na-host ko nang maayos ay hindi na po bago itong Palarong Pambansa na ‘di hamak na mas malaki pero sa palagay ko ay kakayanin namin.”
“With a budget of P70 million and 19 hectares na Laguna Sports Complex ay handang-handa na po tayo,” he added.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas