Noong presscon ng gay romcom (gay romance comedy) na pelikulang “That Thing Called Tanga Na”, si Billy Crawford lang ang absent sa mga bida ng pelikula ni Direk Joel Lamangan na produced ng Regal Films.
Nasa ospital kasi ang binata dahil sa pneumonia na noong araw ng presscon, nag-post pa si Coleen Garcia ng picture sa Instagram account nito ng kamay ng boyfriend na naka-dextrose, na habang nasa ospital ang binata ay inaayos naman niya ang sorpresa para sa girlfriend, kung saan magse-celebrate sila ng kanilang ikalawang anibersaryo. Nagkaroon sila ng lunch sa Antonio’s sa Tagaytay na nangyari the following day nang makalabas siya sa ospital.
“I want to surprise her. I’ve asked that special day from her na maging free dahil we will celebrate,” kuwento ng binata.
Sa katunayan, nanghiram pa siya ng helicopter sa kaibigan niya para makabalik sila kaagad minus the Tagaytay traffic dahil he want Coleen to be home with her family para mapanood naman ang stunning performance ng girlfriend sa MMK.
Kaya nang gumaling sa karamdaman, bilang isang balikbayan sa kampo ng Regal Films, binigyan ng solo mini-presscon ni Mother Lily at anak niyang si Roselle Monteverde ang pagbabalik sa Regal ng isang Billy Crawford.
Noong bata pa siya, nakilala si Billy as Billy Joe Crawford during the time na nagsisimula pa lang siya sa showbiz noon with “That’s Entertainment” na afternoon show ni Kuya Germs (Moreno) noon na mas nakilala sa kanyang “apple cut” na bangs hairstyle.
Mala- Michael Jackson ang peg noon ni Billy na sa dinami-rami ng mga That’s Entertainment member ng show, lutang na lutang si Billy dahil siya ang pinakabata at pinakamaliit, kung saan mga dalaga at binata ang mga kasabayan niya.
Naka-dalawang pelikula pala si Billy sa Regal noong bata pa siya. Panahon ‘yun na isang child star sa pelikula ni Vilma Santos (Pahiram ng Isang Umaga) at with Rudy Fernandez (Isang Dakot na Bala).
Nang mawala sa local showbiz scene, pumalaot naman si Billy sa Europe, kung saan nakilala siya bilang isang sikat na rapper na muli ay nubuhay ang kanyang interest na magbalik-local showbiz and the rest is history at ngayon nga ay napanonood natin daily sa “It’s Showtime”.
Sa pagbabalik-Regal Films niya, masaya si Billy dahil naalala siya ni Mother Lily para gampanan ang role ng isang “machong security guard” bilang si Baldo na sa pag-uwi niya sa bahay nila ng ka-live-in partner niya ay saka siya naglaladlad.
Noong i-offer sa kanya ni Direk Joel Lamangan ang pelikula, hindi na nagdalawang-isip si Billy. Ang mga kasamahan niya sa pelikula na sina Kean Cipriano at Martin Escudero ay nakasama na niya sa pelikula. Si Angeline Quinto, kasamahan naman niya sa Kapamilya Network.
Bukod sa tatlong mga artista, kasama rin niya sa pelikula sina Eric Quizon, Marco Gumabao, at Ken Alfonso.
Sa August 10 na ang showing ng pinakaaliw at masayang gay romcom (gay romcom) na pelikula ng taon with a preem night on August 9 at SM Megamall Cinema 9. Kitakitz.
Reyted K
By RK VillaCorta