KASALUKUYANG NASA Hong Kong pala ngayon si Richard Yap kasama ang kanyang misis na si Melody at buong team nito para sa isang prior commitment. Umalis ang grupo nila kahapon at magbabalik ng hatinggabi ng Lunes.
Kung susuwertihin na magkaroon ng libreng oras ay baka makanood si Ser Chief at mga kasama nito ng laban ng boxing nina Manny Pacquiao at Rios sa Macau sa LKinggo ng umaga.
Lingid sa kaalaman ng marami ay nagkaroon ng dinner for a cause ang sikat na aktor sa kanyang partly-owned restaurant na Wangfu Chinese Bistro sa kanto ng Tomas Morato Ave. at Don. A. Roces Ave. sa Quezon City last Friday, November 14, kung nasaksihan ng mga guests ang walang kupas na boses ng nag-iisang Dulce at hinara na rin sila ng guwapong si Markki Stroem.
Dahil dito ay nakalikom si Richard ng almost P500,000 na ido-donate n’ya sa Sagip Kapamilya.
Isang intimate at invitational lamang daw for 100 guests only ang naturang dinner for a cause ng lead star ng teleseryeng Be Careful With My Heart at ng kanyang mga business partners na sina Ace Wang, Lester Pimentel Ong, Des Tanwatco at Kate Valenzuela.
By the way, nominated pala si Richard bilang best actor para sa nasabing serye ng ABS-CBN sa 27th PMPC Star Awards for Television na gaganapin on Sunday, November 24, ng gabi sa AFP Theater sa Camp Aguinaldo sa QC.
NAIS NAMING itama ang aming sinulat last Wednesday lang tungkol kina Arjo Atayde at Coleen Garcia na inakala namin na baka nanliligaw ang una sa huli, dahil magkasama at sabay silang nag-perform sa benefit show ni Vice Ganda sa Laffline Comedy Bar last Monday night lang, ganon din nang makita namin na dumalo ang dalaga sa birthday dinner ng binata sa Resorts World.
Hindi namin alam na magpinsan pala ang dalawa sa lola side daw ng ama ni Arjo na si Papa Art Atayde. ‘Yan ang paglilinaw sa amin ng young actor nang tanungin namin s’ya thru text the other day.
For sure, knows ‘yan ni Billy Crawford na patuloy na natsi-tsimis kay Coleen, kaya wala s’yang dapat ipagselos kay Arjo kung may katotohanan ngang may namamagitan sa kanilang dalawa ng young actress.
Although hindi namin nakitang nagbatian sina Billy at Coleen nang dumating at pumasok ang singer-TV host-actor sa dressing room ng Laffline bago ito mag-perform on stage.
Anyway, by early next year na muling mapapanood si Arjo sa isang teleserye sa ABS-CBN kung saan makakasama n’ya ang kanyang crush na kapatid ni Toni Gonzaga na si Alex.
Ang dinig namin ay Pure Love daw ang working/tentative title ng kanilang serye na mag-uumpisa pa lang daw mag-taping before the year ends.
Sana nga ay magtuluy-tuloy lang ang TV projects ng anak ni Sylvia Sanchez na si Arjo at magkakaroon din ito ng pelikula soon, maging sa mainstream man o indie film, dahil natural na mahusay at may ibubuga ito sa pag-arte na parang ina n’ya na binibiro namin na kabog yata s’ya nito sa aktingan.
MALAMANG AY magdo-donate din si Martin Nievera at ang producers nito mula sa proceeds ng kanyang repeat concert na 3D na gaganapin mamayang gabi sa Araneta Coliseum para sa mga nasalanta ng super bagyong Yolanda sa Visayas region.
Baka nga specially-dedicated pa ni Martin ang kanyang konsyerto sa mga kakabayan natin na naging biktima nga ng sakuna.
No doubt na mapupuno na naman ng Concert King ang Big Dome tonight, kahit pa sabihin na marami nang mga bago at batang singers at concert performers na nakapupuno na rin ng mga malakihang venue tulad ng sa Araneta.
Sa totoo lang naman, hindi pa rin nababawasan ang quality, timbre at ganda talaga ng boses ni Martin kumpara sa ibang mga nagsulputan d’yan, kaya naman worth it pa rin na magbayad para mapanood at mapakinggang siyang kumanta, lalo na ‘pag kung ‘yung mga original songs n’ya ang kakantahin n’ya.
Franz 2 U
by Francis Simeon