Wala si Billy Crawford sa grand presscon ng “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Films na showing on August 10 kaya ipina-interview siya sa ilang press nina Mother Lily at Roselle Monteverde last Thursday.
Character ng isang bading na security guard na ayaw magladlad ang ginagampanan ni Billy Crawford sa pelikula. Aminado ang actor na natakot siyang tanggapin ang pelikula nu’ng unang i-offer ito sa kanya.
“Honestly, nag-hesitate ako nu’ng una. It’s not because of Regal or anything, nag-hesitate ako because of the role. Hindi ko kasi alam kung kaya kong gampanan o kaya ko bang gawin ito.
“Pero nu’ng nalaman ko kung sinu-sino ang kasama ko, mukhang masaya naman. Saka first time ko to work with Direk Joel (Lamangan). I’ve never worked with Direk Joel before. ‘Yung pleasure lang, gusto kong ma-experience na makatrabaho siya,” pag-amin niya.
Aminado rin ang singer-actor na medyo nahirapan siyang i-portray ang role.
“Of course nahirapan pa rin, kasi as an actor, bilang straight, to portray ng gay role, it’s very difficult because ayaw mong masaktan, ayaw mo rin namang maging OA, kasi baka naman masaktan ang LGBT.
“Sa totoo lang I have to ask Vice (Ganda), I have to ask a lot of my friends kung paano bang maging bakla lalo na ‘yung itinatago mong bakla ka. So, it took awhile to adjust, pero napakahusay talaga ni Direk Joel, kasi gina-guide niya ako,” sey pa niya.
Niligawan na ba siya ng bading noon?
“Nagsimula ako sa showbiz four years old so hindi ko alam kung lapitin ako ng bading. Kung lalapitan ako, siguro papakandong, pero marami akong mga kasamahan sa trabaho, mga kaibigan na bading.
“Never naman akong niligawan ng bading, never had a proposal.”
Anyway, kasama ni Billy sa “That Thing Called Tanga Na” sina Eric Quizon, Kean Cipriano, Martin Escudero, at Angeline Quinto.
La Boka
by Leo Bukas