PARA KAY Billy Crtawford, 2012 has been a great year for him nga raw. Nabigyan daw siya ng opportunity na mag-grow as a TV host. Tatlong award nga ang napanalunan niya sa katatapos na 26th PMPC Star Awards For Taelevision. Ito ay ang Best Male TV Host (para sa ASAP), Best Talent Search Program Host (sila ni Luis Manzano for Pilipinas Got Talent), Best Reality/Game Show Host (para naman sa Showtime).
What does he look forward naman kaya itong susunod na taong 2013?
“Siguro more work,” na-ngiting sabi ni Billy. “September, babalik ako for France. Ipu-promote ko doon ‘yong bago kong album. Umalis ako before, ‘di ba? Two months ako roon para i-record ‘yong album. Matagal-tagal din… almost one year in the making ‘yong bagong album ko. Dahil sa trabaho ko rin dito sa Pilipinas. Na kahit natapos na ang Pilipinas Got Talent, meron akong Showtime at saka ASAP.”
This is his fourth international album na raw. At iba raw kumpara sa tatlong nauna.
“Siguro… mas more dance. Mas dance ito. Three months ako sa France para sa promo ng album ko.”
Wala pang title. At hindi pa rin daw alam ni Billy kung kailan mairi-release sa Pilipinas ang bagong album niyang ito.
“Pero kapag ia-out na ito sa Pilipinas, I’m asure it’s sa Universal Records pa rin.”
Ngayong may bagong international album ulit si Billy, ang plano raw niya ay magpapabalik-balik siya sa France at Pilipinas.
“Hindi ko rin naman kasi maiiwan ang ABS-CBN. Alam mo ‘yong utang na loob ko rin naman sa kanila na nandito ako dahil nabigyan nila ako ng break bilang host or bilang performer. So, hindi rin naman ako basta-basta magbabay sa ABS. Alam mo ‘yon?
“Pero… opportunity, meron naman. Uhm… gusto ko lang i-try. Alam ‘yon? Waiting kung anong mangyari pagdating ko sa France. Pero back and forth ako. Hindi ako aalis ng six months o one year or whatever. Basta… mga two or three months tapos balik ako dito. At saka mahal na mahal ko ang Pilipinas. Ayokong unalis ng Pilipinas for good.”
Mahusay na singer at dancer si Billy. ‘Yon nga lang, sa TV hosting siya mas nalilinya ngayon. Pero mahusay rin siyang umarte. May ibubuga rin pagdating sa comedy. Nakapagtataka kung bakit hindi siya sinasabak sa teleserye o sa sitcom din.
“Actually, hindi ko siguro kakayanin ang teleserye dahil nga sa Showtime kasi araw-araw kami. Pero sitcom? Si-guro naghahanap kami dati. No’ng buo ‘yong Kanto Boys. Iyon ang iniisip namin dati na mag-sitcom kami. Ako, si Luis (Manzano), si Vhong (Navarro), at saka si John Lloyd (Cruz). Eh, medyo nagkawatak-watak. Si Vhong, nakasama sa Showtime. Si Luis nakasama ko sa PGT (Pilipinas Got Talent). Si Lloydie, siyempre busy rin. So, hopefully one day, makaisip. Sana bumalik ‘yong mga sitcom-sitcom.”
Kahit naman sila lang dalawa ni Luis, effective na bilang comic duo. As host hosts nga, marami ang bilib sa tandem nila. Natural na lumalabas ang kanilang galing sa pagpapatawa kahit naghu-host lang sila. Sabi nga, para silang handsome version ng tambalang Jose Manalo at Wally Bayola.
Napahalakhak si Billy.
“Teka… sino ako ro’n? Ha-ha-ha! Jose and Wally talaga? Compliment din naman ‘yon. Kasi napakahusay naman nina Jose and Wally. And alam mo lahat kami, fan talaga ng Eat Bulaga. Kahit ano pang sabihin mo. Ilang years na sila. Sana makuha lang namin ang sobrang bonding nila. Iyon ang gusto naming maipakita. Kasi, close din naman kaming mga hosts ng Showtime.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan