HINDI MASYADONG nanamnam ng taumbayan ang pananalo ni Manny Pacquiao kay Rios, dahil after two days, bumulaga na sa news na sinisingil siya ng BIR ng halagang P2.2B, dahil ilang taon na raw hindi nagbabayad ng tamang buwis ang Pambansang Kamao.
Ipinaliwanag maigi ni BIR Commissioner Kim Henares na two years ago pa sinabihan ng BIR ang kampo ni Manny, pero dinededma lamang daw. Pero kami ay naniniwala na me kapalpakan ang mga dating accountant o kung sinuman ang nangangalaga ng finances ni Manny.
Feeling namin, bayad lang nang bayad si Manny sa mga kwenta ng kanyang accountant sa babayaran niyang buwis, kaya ngayon, hindi naman itong mga taong ito ang nagdurusa, kundi siya.
Ang ikinalolokah naman namin, kung P2.2B ‘yon, aba eh magkano ang kinita ni Manny? More than P20B, gano’n? Wow!
Saan kaya hahantong ito? Magkaroon kaya ang amicable settlement?
SELOSO PALA si Bimby Aquino Yap sa personal, ‘no? Aba, eh siya, aprub sa Mama Kris Aquino niya na meron siyang “girlfriend” sa katauhan ng kaklaseng si Aurora (na nakatira na sa ibang bansa ngayon), pero ang mama niya, bawal mag-boyfriend.
‘Eto nga’t pagkatapos ng presscon nila nina Bossing Vic Sotto at Ryzza Mae Dizon ng Filmfest entry nilang My Little Bossings ay nagpa-picture kami sa mag-ina. Pag-angkla namin kay Kris, biglang sinuyod ni Bimby ng tingin ang kamay namin na parang hindi nito feel na nakaangkla sa mommy niya.
Kaya si Kris ay bumulong sa anak ng, “Bimb, don’t worry. He’s gay!”
Hahaha! Dinig na dinig ko talaga ‘yon.
Nakakalokah, umamin na ba kami? Hindi pa, right?
NAKATUTUWA SI Kris Aquino. Parang andami niyang “nilibre” o hindi siningil para sa My Little Bossings alang-alang sa kagustuhan ng anak na umarte. Pati nga ‘yung “special participation” niya for three days ay hindi bayad at ‘yon ay bilang pasasalamat niya kay Bossing, dahil ito ang unang makasasama ng anak.
Siyempre, dahil producer din si Kris Aquino (bukod sa co-producers nitong M-Zet, OctoArts at APT Entertainment), kaya kahit ang kanyang KrisTV ay talagang malaki ang pakinabang para mai-promote nang husto ang My Little Bossings.
Hindi rin ikinakaila ni Kris na nagpadagdag siya ng iso cam for Bimby para mahuli ang natural shots ng bata at meron din itong acting coach sa set na gamay na ni Bimby dahil ito rin ang acting coach sa mga TVC.
Kung lalapitan mo si Bimby ay parang ayaw mong hawakan, dahil ang kinis-kinis na bata. Grabe, walang open pores ang mukha, “Pare, four glasses of milk ‘yan everday, that’s why.”
Juice ko, kaya ko pa ‘yang ihabol ‘yang 4 glasses of milk sa face ko kahit masyonda na ako?
CONGRATS SA buong cast, staff and crew ng Call Center Girl dahil patuloy na tumatabo ito sa takilya. Juice ko, nag-Manaoag pa talaga sina Direk Don Cuaresma at Pokwang para hilingin sa Diyos na sana ay kumita ito.
Heto nga’t itineks sa amin ni Roxy Liquigan (Adprom ng Star Cinema) na, “Inutusan ako ni Tita Malou Santos na i-text ang buong cast at i-congratulate!”
Siyempre, proud naman kami, dahil isa kami sa cast ng pelikula kahit hindi maayos ang billing namin (charot!).
Ang mahalaga, kumita at muling pinatunayan ni Pokwang na kaya niyang magdala ng isang pelikula at ‘yan ay napatunayan na niya nu’ng una sa A Mother Story, kaya sobrang love si Pokwang ng mga OFW, kaya nga tinagurian siyang “Global Comedienne”.
Sa mga hindi pa nakapanonood, panoorin na at kalimutan sandali ang mga problema sa buhay. Nakaiiyak, nakatatawa at pampamilya talaga ang Call Center Girl.
Oh My G!
by Ogie Diaz