Binay, 2016?

MAHIGIT NA ANIM na taon kong kasa-kasama si VP Jojo Binay sa pagtuturo sa PWU, Taft Avenue, circa 70s. Tatlong subjects sa Law ang hawak niya. Ako ay apat na subjects sa English Literature at Journalism. Ordinaryo pa siyang tao noon. Isang matapang na human rights lawyer. Galing sa isang mahirap na angkan. At nagtapos ng pag-aaral sa pamamagitan ng pawis at tiyaga.

Bago magsimula ang klase, paborito naming istambayan ang isang maliit na coffee shop, Roxy Ritz, sa Herran. Tig-iisang tasang kape, isang chicken sandwich o chicken pie ay milagro na sa aming mga tiyan. Tapos karipas kami sa eskwela pagkarinig ng malakas na bell sa dakong alas-5:30 ng hapon.

Mahigit ding walong taon kaming nagkahiwalay. Pagkatapos ng EDSA Revolution, naging appointed mayor siya ng Makati and the rest is history. Sa mga panahong ito, ‘di na halos kami nagkaugnayan. Subalit nagkasamang muli kami nu’ng 1998, simula ng termino ni dating Pangulong Erap. Si Binay ang nahirang na MMDA Chairman.

Napaka-malasakit at tapat na kaibigan si Binay. Kahit na sa mga matatayog na posisyong hinawakan niya, bukas pa rin ang kanyang linya sa aking pangangai-langan. Kung pag-uusapan ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mahihirap, tumatabla na siya kay Erap.

Nu’ng 2001, muli kaming nagkita. Wala akong trabaho noon dahil katatanggal lang ni Erap sa puwesto. Sa isang lamay ng patay, malapit sa aming bahay sa Madras, Makati, may biglang kumalabit sa akin. O kamag-anak mo ba ang namatay?  Paglingon ko, ay ang ngumingiti at tunay na nananabik na Binay. Nagyakapan kami. Nagbalik-tanaw saglit sa mga nakaraan lalo na ang mga taon namin sa PWU. Walang nagbago sa kanya. Still simple and humble to a fault. Kakaibang nilikha. Punta ka sa office bukas. Kahit consultancy bigyan kita. Sayang naman ang naging karanasan mo. Tumango ako at nagpasalamat. Ngunit ‘yon ang huli naming pagkikita.

Isang tinataguriang major political miracle ang pagkapanalo ni Binay nu’ng nakaraang halalan. Biro mo, political giants like Mar Roxas and Loren Legarda ay winalis niya. Ngayon, pataas nang pataas pa ang kanyang political fortunes. Dahil his feet are always on the ground. His heart is always in the right place.

By 2016, lalo sigurong kakalug-kalog na ang tuhod ko. At ‘di na kayang sumabak pa sa kampanya ng pulitika. Ngunit dahil mahal kong kaibigang si Binay, pipilitin ko. Maaaring pagpili ng mamamayan sa kanya, ay malalasap na natin ang Messiah ng pagbabago at pag-unlad.

Binuwag na ang PWU Campus sa Taft Ave. Tuwi akong dadaan doon, kumikislap sa aking alaala ang mga taon na pinagsamahan namin ni Binay. Humahalakhak pa. At naghahamon.

SAMUT-SAMOT

 

EXCITED AKO SA isa pang doggie na aking aalagaan. Kukunin ito ng mahal kong kaibigan Caloy Ardosa sa Pampanga.  Beagle breed. Guwapo, malusog at sandamakmak na laki ng tenga. Nu’ng nakaraang Linggo, katatayo-tayo lang ng aking aviary sa love birds. Mahigit 30 pares ang aking inaalagaan. Ang iingay sa umaga at tuwing darating ako. Nakakahiyas ng damdamin. Nakakaalis ng pagod.

BAKIT ANG MGA alagang hayop ay ganyan? May dinadalang ibang uri ng pagmamahal. May binubulong na ibang salita na maiiintindihan lang ng iyong puso. Mahilig din ako sa fish aquarium. Sa malalim na pag-iisip, ang buhay ay parang aquarium. Palanguy-langoy tayo. Pinagmamasdan ng kapalaran at tadhana. Mahilig din ako sa halaman at bulaklak.  Dumadayo pa ko sa malalayong lugar para mamili ng mga ito. Ang bahay ko sa Pasig City ay mistulang isang forest sa dami ng mga halaman. Kalimitan, nagkakamot na lang ng ulo ang maybahay ko.

BAKIT BARYA ANG nililimos natin sa simbahan? Ang katapat ba ng Diyos ay barya? Isang mayamang negosyante lulan ng mamahaling Mercedes Benz ang nakasabay ko minsan sa pagsimba sa Christ the King Church, Quezon City. Nu’ng ilapit sa kanya ang collection bag, limang minuto siyang naghanap ng mga barya sa kanyang pocket at wallet. Umabot wari ko ng sampung piso. At ito ang naging handog niya sa ating Diyos na Maykapal.

QUOTE OF THE WEEK:

People are good!

On a trip to Cebu, I lost my wallet. I bought mineral water at the food court of the Gaisano Country Mall, and I went on to buy some more stuff at the department store.  Imagine my panic when I could not find my wallet in my pocket thirty minutes later.

I rushed back to the food court, whispering a prayer, hoping that my wallet would still be there.  As I desperately searched the area, five young college students seated at a nearby table called out: “Sir, are you looking for your wallet?”

Just like that, and my wallet was back, intact!

PITIK-BULAG
By Ike C. Gutierrez

Previous articleCondom nilalaro ni Sen. Sotto at gambling sa Lipa City
Next articleAnnulment ng pekeng kasal

No posts to display