NAGBABABAD PALA SA casino itong si Bing Loyzaga, particular na sa Maxim’s Hotel, isang bago at bonggacious na hotel malapit sa New Port City, Villamor, Pasay City.
Ang nasabing hotel ay bagu-bago pa nga lang, pero unti-unti nang nagiging paboritong puntahan ng mga artistang mahilig magsugal o maglibang-libang.
“Si Bing Loyzaga, mga hatinggabi o mga 1 o’clock ng madaling-araw kung pumunta siya roon, at umaabot nang 5 o’clock ng umaga!” Hirit ng aming espiya na roon mismo sa hotel nagtatrabaho, nang maka-chikahan naming recently.
“Baccarat o Lucky 9 ang hilig laruin ni Bing sa casino, kasama niya lagi ang mga babaeng barkada niya. Wala namang lalaki silang kasama, kundi ang driver. Mas gusto nilang dumating doon nang late night para wala nang masyadong tao.”
Kung inuumaga man sa casino si Bing, karapatan naman niyang maglibang o magsugal man, dahil pera niya ang kanyang ginagastos. Nabanggit pa ng source na Chinese karamihan ang owners ng hotel corporation na ‘yun, at sinasabing parang Las Vegas ang style nito.
“Nakita ko mismo si Bing, lagi silang nagpupunta roon, kaso lagi silang talo. Pang-night shift kasi ang duty ko roon, mga twice ko siyang nakita.” Maliban kay Bing, nakita rin daw ng aming source sa nasabing hotel si Cheska Garcia at asawang former cager, at iba pang mga basketball players. “Pero madali lang sina Cheska roon, nagdi-dinner lang at konting laro lang. Hindi tulad ni Bing na inuumaga.”
NAKAKALOKA ANG PAPARAZZI ng TV-5 kahapon, Sunday, dahil sa pagiging totoong tao ni Snooky Serna. Ilang old issues ang sinagot nito.
May financial problems na raw ito ngayon, ang pag-amin nitong nagta-tricycle minsan, at nagpatingin sa isang psychiatrist.
“Tao lang ako, hindi robot, salamat naman at hindi pa ako completely binabato. Ang nakaiirita lang ay hearsay lang naman ang karamihan, eh. I’m not bothered by that, ‘di na ako tinatamaan sa parteng ‘yun.
“I don’t see anything wrong kung mag-taxi man ako minsan or mag-tricycle. Hindi naman ikabababa ‘yun ng pagkatao mo, ‘di ba? ‘Yung pagpapatingin naman sa psychiatrist, wala ring masama roon. That time ay may anorexia nervosa ako, at iba pang nararamdaman.”
Pero ang pinakapasabog ay noong tanungin siya ng host na si Cristy Fermin, na sa palagay namin ay siya lang ang makapagtatanong nang diretsahan.
Sabi ni Cristy, nakita raw niya si Snooky noon na may kasamang tomboy. Karelasyon daw ba niya ito?
“No, she’s just my good friend. Sasabihin ko naman sa inyo ‘yun, ‘di ko pa ba aaminin ‘yun? Wala akong kuwestiyon sa aking sexuality.
“I have many friends who are homosexual, be it butch or male gays, eh wala naman silang pinatay na tao… Pero, kung halimbawa man, sorry sa mga anak ko… In the event sigurong may dumating sa buhay ko na isang babaeng mukhang lalaking guwapo at kayang suportahan ang mga anak ko at rerespetuhin ako…
“Hindi naman po sa ipo-prostitute ko sarili ko, may takot pa naman ako sa Diyos. Pero kung mahal ko siya, may tawag sa mga taong gano’n, regardless na boy or girl siya na feel mong soulmate mo siya, go!”
Tanong ni Cristy, kahit minsan lang, nagkagusto ba siya sa kapwa babae sa showbiz? “Oo, pero ‘wag na lang nating sabihin kung sino. Pero ako ang niligawan!”
INAMIN NI EUGENE Domingo na nagpapasalamat siya at hiwalay ang drama sa comedy or musical ang category sa pagpili ng Best Actress ng Golden Screen Awards for Kimmy Dora.
“Salamat at may kategoryang gano’n. Wala si Papa Piolo (Pascual) sa awards night, wala akong kasamang anyone from Spring Films, dahil pinangarap ko na mangyari ‘yun sa buhay ko. Kaya sa ASAP XV ako nakapagpasalamat sa kanya as producer ko.”
Muling hihirit this week si Uge sa Here Comes The Bride kasama sina Angelica Panganiban, John Lapus, Tuesday Vargas, etc.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro