SA IMBITASYON ng dating That’s Entertainment member at ngayon ay businessman-producer na si Jeffrey Gonzales ay naka-lunch ng selected entertainment press ang dating politician na si Manong Chavit Singson sa mismong bahay nito sa Corinthian Gardens (Quezon City).
Dito ay naikuwento ng dating gobernador na hindi pa siya bayad ng ilang private corporation na kinuha niyang sponsors at partners sa 2017 Miss Universe pageant na ginanap dito sa Pilipinas.
“Awa ng Diyos, ‘di pa ako bayad. Maraming rason. I don’t want to name names, pero marami pa silang kulang. May sisingilin pa akong P100 million, $2 million. Dapat magbayad na sila,” kuwento ni Manong Chavit.
Umabot ng halos $14 milyon ang inilabas ni Manong Chavit para matuloy lang ang pagdaraos ng Miss Universe sa bansa last year.
Wala raw naman siyang balak na idemanda ang kanyang mga naging kasosyo. Umaasa pa rin daw siya na mababayaran siya. Ayaw ring magbigay ng pangalan ng dating pulitiko kung sinu-sino ang mga may utang pa sa kanya.
Samantala, ayon pa sa kanya, malamang daw na sa Macau o sa Korea gawing ang 2018 Miss U.
Sambit pa niya, “Kasama ko sila sa China, nag-inspect, lahat, so ever since sinabi ko, ‘Hindi na ‘to gagawin sa Pilipinas.’ Iyon lang, hindi puwede ang live telecast doon.”
Bukod sa involvement sa Miss U ay meron ding multi-million dollar investment si Chavit para sa pagtatayo ng isang solar energy panel sa Korea. Don na lang daw niya wawaldasin ang kanyag kayamanan.
Manong Chavit celebrated her birthday noong nakaraang June 21. He is now 77 years old. Birthday wish niya na mabayaran na siya ng kanyang mga partners sa Miss Universe.
La Boka
by Leo Bukas