HANGGANG NGAYON single pa rin si Herbert Bautista kahit may special someone na ito. Palibhasa happy sa kanilang love relationship kaya’t hindi kailangang madaliin ang mga bagay-bagay tungkol sa pagpapakasal. Wala pa sa plano ni Bistek nalumagay agad siya sa tahimik. Mas binibigyan niya ng priority ang pagiging public servant kaysa sa kanyang personal life. Naiintidihan naman raw ito ng non-showbiz girlfriend niya.
“Hindi pa siguro sa ngayon, mangyayari ‘yun sa takdang panahon, huwag nating madaliin,” matalinhagang sabi ng magaling na comedian.
Ayon kay Herbert, matagal na palang may plano sila ni Aga Muhlach mag-produce ng pelikula, joint venture under Heaven’s Best Production. Nakausap na raw niya ang actor noon pa bago ito sumabak sa pulitika at pumayag naman ito. “Matagal na namin napag-usapan ni Aga ang paggawa ng pelikula. Nagkataon namang papasok siya sa pulitika kaya hindi agad nag-materialize ‘yung project na gagawin namin. This time, okay na siya. Nagpapapayat ngayon para sa movie na gagawin namin. Inaayos na ‘yung storyline for the movie. Si Randy Santiago ang magiging director namin. Gusto kong maging active sa paggawa ng pelikula, two pictures a year para na rin mabigyan natin ng trabaho ang mga kapwa natin artista. ‘Raketeros Part 2’ at ‘yung movie namin ni Pareng Aga,” pahayag ni Herbert.
Ipalalabas na sa August 7, Wednesday ang ultimate throwback comedy movie nina Herbert, Dennis Padilla, Long Mejia, Andrew E,. at Ogie Alcasid sa direksiyon ni Randy Santiago. Kuwento ng pakikipagsapalaran at kamalasan ng limang magkukumpareng may kanya-kanyang raket at kanya-kanya sabit. Susubukin ang solid na samahan ng grupo at husay sa diskarte ng apat. Kung sa kagipitan, tumitibay ba ang tunay na pagkakaibigan nila?
NAPAKA-SPECIAL ANG pagdalaw ni Sarah Geronimo sa MOR 101.9 For Life kamakailan lang. Naikuwento ng sikat na Kapamilya singer-actress at host ng The Voice of the Philippines kung bakit masaya siya sa latest album niyang Expression, kung saan bahagi ng tracklist ang kanyang “You’ve Got A Friend” na inawit niya kasama ang amang si Daddy Delfin.
Dream come true para sa Sarah G. na mapasama sa album niya ang duet nilang mag-ama na minsang nangarap ding maging singer.
“’Yung pangarap ni daddy, sa akin nagkaroon ng katuparan. Dream ko para sa tatay ko na malagay sa CD ang boses niya. Isang lifetime memory ang nagawa namin,” turan ng Popstar Royalty. It’s another memorable experience para sa mag-ama.
Sa latest album ni Sarah G., nagtatampok rin ng mga original Filipino composition. Ibinahagi ng singer-actress sa listeners ng Mor 101.9 For Life na sa susunod niyang concert, puro OPM ang kanyang aawitin. Madalas akong kumanta ng covers, pero iba pa rin talaga na may sarili tayong awitin. ‘Yun talaga ang goal ko, majority ng repertoire puro orihinal na kanta ang kakantahin ko for my next concert,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield