MGA KABABAYAN! Mabigat pa rin ba ang iyong last break-up? Naghahanap ka ba ng “fresh start”? Do you still feel bitter about your relationship with your Ex? Nararamdamanmo pa ba ang resentment, frustration at anger from your previous relationship? How do you move on from this?
Lahat ng relationships ay komplikado. If there is bitterness in any break-up – then there are definitely unresolved issues. Kailangan maging malinaw sa iyo kung bakit ganoon na lamang kabigat ang damdamin mo sa iyong dating kasintahan. How did your love for each other turn into bitterness, anger or hurt? Isipin mong mabuti – dating love ninyo ang isa’t isa, tapos ngayon – ganoon na lamang ang inyong pag-iwas sa isa’t isa.
How can that happen? The reason why it happened is that – it was not real love. Real love assumes that two people have the maturity to sort out their differences, to compromise, and respect each other’s individuality. Kung sa loob ng panahon na kayo ay nagsama ay hindi n’yo masabing kapwa kayo nagka-unawaan, mayroong (maaaring isa or pareho sa inyo ang) hindi pa handang magseryoso sa inyong relationship.
Both of you have to be ready: And if you were both ready, kahit mag-break pa kayo, hindi kayo magiging-bitter sa inyong choice na maghiwalay. Interesting din na mayroong mga taong currently in a relationship with a person ngunit may tinatagong (may tanim na) bitterness from something that happened with this person in the past… Bakit ka pumapayag na magpatuloy ang bitteness na ito?
Do you still feel bitterness from a relationship? Kailangan mo bang linawin ang source ng iyong “bitterness”? I-like si Coach Pia Acevedo sa Facebook at maaari n’yo kaming i-message para humingi ng gabay sa pagpapabuti ng buhay.
Si Coach Pia Acevedo ay isang kilalang Performance Management Expert, Life Coach at manunulat ng sikat na librong Born To Be A Hero. Siyarin ay CEO ng The OneCORE- isang organisasyong nakatuon sa pagtulong sa mga tao kung paano gumawa ng mainam na desisyon sa buhay.
Pinoy Ekspert
by Coach Pia