KINASTIGO KAHAPON NI Department of Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) kaugnay sa nangyaring press conference kamakalawa ng pangunahing suspect sa Maguindanao massacre case sa loob mismo ng kanyang kulungan.
Ayon kay Puno, malinaw na mayroong paglabag sa standard operating procedures ang ginawang pag-imbita sa ilang mamamahayag sa loob ng detention facility.
Pinagpapaliwanag naman ng kalihim si BJMP-NCR chief Rosendo Dial kaugnay sa nangyari.
Tiniyak din ng opisyal na kanyang pananagutin ang lahat ng pumalpak sa kanilang mga tungkulin.
Nauna rito, kinuwestyon ng mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre ang nasabing desisyon ng BJMP.
Ayon naman kay Atty. Harry Roque, maituturing na high-risk detainee si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr., subalit pinayagan ng BJMP ang mga mamamahayag na makapasok sa kanyang kulungan. (Benedict Abaygar, Jr.)
Pinoy Parazzi News Service