Black Lipstick lead star Kyline Alcantara, inaming naging biktima ng bullying noon

Kyline Alcantara

MAY LAUNCHING movie na ang Kapuso teenage actress na si Kyline Alcantara. Siya ang bida sa pelikulang Black Lipstick at gaganap siya ng dual role – Ikay kapag pangit siya at Jessie naman kapag maganda siya.

Ang black lipstick ang magiging dahilan kung bakit magta-transform si Kyline. Mala-Blusang itim ang effect sa movie noon ni Snooky Serna.

Aminado si Kyline na hindi maiwasang makaramdam siya ng kaba sa kanyang launching movie.

“Mas more of kinakabahan and pressured kesa sa excited ako, honestly. Kasi hindi ko po alam kung ano yung magiging outcome nitong movie na ‘to, but kung ano man po yon, thank you, maraming salamat,” tinuran ng dalaga sa grand presscon ng Black Lipstick.

Masuwerte si Kyline na katrabaho din niya sa Black Lipstick si Snooky Serna who is playing her mother in the film. Pero ani Kyline, hindi niya napanood ang famous Blusang Itim ni Snooky kaya wala siyang idea tungkol dito.

Hinanap daw niya sa Youtube ang Blusang Itim pero hindi niya ito nakita kaya hindi rin niya napanood.

“Magka-tent po kami ni Tita Cookie. Noong ginagawa namin iyong movie, nakapag-create kami ng bonding sa set. Sinabi nga niya sa akin, be your unique self, kasi iyon ang naa-appreciate ng mga tao, iyong authenticity,” advice daw ng aktres sa kanya.

Bilang Ikay na may skin disorder, inamin ni Kyline na naka-relate siya sa karakter na ginagampanan lalo na nung mga panahon na binu-bully siya.

Pagtatapat niya, “Nakaranas din po akong ng pambu- bully, noong bata pa ako at kahit sa iskul. Back then, when hindi pa po ako artista, sa iskul. Doon po talaga, nag-start iyon.

“Noon naman pong nag-aaudition ako, totoong na-bully ako ng mga nanay ng mga batang nakakasabay ko sa audition. Sinasabi nila na ‘broken family’ ka naman. Hindi ka magandang example sa kabataan.”

Pero alam daw niya how to fight bullying kaya hindi siya apektado nito.

“Now po kasi, hindi ko na siya naiisip. Dati kasi, mabilis akong maapektuhan. Each time , hindi ko pa accepted, madali akong maapektuhan, kasi bata pa ako noon. Totoo naman na ‘broken family’ ako. But right now, hindi na ako naaapektuhan kasi I know myself at mahal ko po ang sarili ko. Lahat ng pamba-bash sa akin, it made me stronger as a person,” lahad pa niya.

Palabas na ang Black Lipstick on October 9. Kasama rin ni Kyline sa pelikula bilang leading men sina Migo Adecer at  Manolo Pedrosa. The film is under the direction of Julius Ruslin Alfonso and produced by Obra Cinema.

 
 
 

La Boka
by Leo Bukas

Previous articleJessy Mendiola, balik-teleserye kahit aminadong nawala ang passion sa acting
Next articleRhea Tan ng Beautederm, naiyak sa ginawang pagsorpresa ng idolong si Korina Sanchez

No posts to display