USONG-USO ngayon sa YouTube ang mga videos ng pagtulong ng mga vloggers sa mas nangangailangan. Kung noon ay trend sa social media ang mga foreigners na pumupuri sa mga Pinoy sa tuwing nakakatapak sila sa ating bansa, ngayon ay mismong Pinoy vloggers ang gumagawa ng mga ‘advocacy’ videos para ma-consume ng mga viewers nila ang kanilang content.
Isa sa mga YouTuber/celebrity na hot na hot ngayon sa social media ay si Donnalyn Bartolome. Late last year lang ay naging controversial ito dahil sa isang isyu patungkol sa isang kamag-anak na natagpuan ng isa pang YouTuber na pagala-gala sa daan at may karamdaman. Sinagot ito ni Donnalyn at ng kanyang ina at in-explain nila na matagal na nilang tinutulungan ang kamag-anak na naging pasaway diumano.
Ngayon naman ay controversial na naman si Donnalyn. Bakit? Sa kanyang latest video upload na may 2.6 Million views (hindi na namin ililink dito – pakihanap na lang kung gusto ninyo) ay nakipag-life swap ito sa isang pamilya na may kahirapan ang buhay. Ang titulo ng video ay 24 Hours: LIFE SWAP: WEALTHY FAMILY POOR FAMILY. Sa Thumbnail ng nasabing video ay kitang-kita ang pagkukumpara sa estado ng buhay ng mga kasali sa video.
Ang tanong: Kinakailangan ba ni Donnalyn na gumawa ng isang 35 minute video na sandamakmak ang ads para lang mapagtanto nila kung gaano sila kasuwerte sa buhay?
“Jesus, this was hard to watch. Stop romanticizing poverty. There are hundreds of ways for someone to teach kids discipline but not this one. Not for the sake of views” ani YouTube user seven oh seven.
“The poor are not there for you to realize how blessed you are” comment ng isang viewer.
“This video reeks of ignorance. There are other ways to teach kids about this. Hope you got the clout you were looking for” sagot naman ng isa.
“I’m sure that the revenue doesn’t go to the poor fam.”
“I’m genuinely concerned for the kids from the other family. How could exposing them to these luxuries affect them when the go back to their own lives?” tanong ng isang concerned citizen.
Tama nga naman: May ‘cut’ ba ang ‘poor family’ na ginamit ni Donnalyn sa video na ito?
Kung ten years ago ay usong-uso sa Pinoy indie films ang ‘poverty porn’, ngayon ay ang ‘poor for views’ ang nauuso.
Hindi lang si Donnalyn ang gumagawa ng ganito. Ang masaklap, dumadami sila. Binibigyan ba nila ng donasyon ang ‘poor family’ sa kanyang video na sa tantsa namin ay nasa 6-digits na ang equivalent amount?