TRUE BA ‘TO? Na si mister, eh nadadalas sa pagpunta-punta sa isang sosyal girlie bar sa Quezon City? Alam ba ‘to ni misis? I’m sure, hindi. Dahil sino namang misis ang papayag na magpunta sa pugad ng tukso ang kanyang asawa, ‘di ba?
Kung walang itinatago si mister, ba’t doon siya sa backdoor dumadaan kapag pupunta roon? Tapos, diretso na ng VIP room at ipatatawag doon ang babaeng makursunadahan niya sa gabing ‘yon.
“In fairness, mabait naman ‘yung guy,” sey ng aming source. “Ang mga girls nga namin dito, ‘pag nalalamang nandiyan na siya, nagtitilian na. Kasi, ipinagdarasal nila na sana, sila ang i-request nu’ng guy.”
Malaki bang mag-tip?
“Ay, hindi naman sa gano’n. Mabait lang ‘yung guy. Saka siyempre, challenging para sa mga girls, kasi nga, ang misis, sikat na sikat! Saka higit sa lahat, ang laki talaga ng kargada!”
Ah, talaga?
“Oo. Kaya kunwari, meron nang girl na mapipili, magko-chorus na ang ibang hindi napili ng, ‘It’s sing-along time!'”
Hahaha! Ano ‘yon, hada lang, walang dyug?
“Ay, oo. Kiss-kiss. Tapos, sing-along lang. Walang dyug, kasi, ayaw din ng girl, eh. Tama na ‘yung parang naki-share sila sa ine-enjoy ng misis ni mister!”
Gano’n?
Ay, naku… ayaw na naming magbigay pa ng clue, dahil baka “mamuro” pa kami ke mister, ‘no!
IN FAIRNESS, NAPANOOD namin ang Banana Split, nag-improve na siya nang bonggang-bongga. Nakakatawa na ang kanilang mga sketches maliban sa ‘yung iba eh, mabagal at hindi effective mag-deliver ng punches.
Nakaaaliw talaga si Jason Gainza at Angelica Panganiban bilang Boy Abunda at Kris Aquino ng SNN. Sana, habaan pa ‘yung segment na ‘yon at itigil na ‘yung parang sarsuwela na pa-rap kung isadula ang kuwento.
NAKAKALOKAH, MERONG ISANG headline ang isang talk show, “Isang aktres, sasagot na sa paratang na siya’y insecure!”
‘Kalokah, nainsekyur lang, headline na, ‘di ba?
Nangangahulugan lang na apat na talk shows ‘yan every weekend, isang showbiz-oriented show pa rin mula Lunes hanggang Biyernes ang SNN at meron ding showbiz segment sa 24 Oras at TV Patrol World araw-araw rin, what do we expect?
Imagine, lahat, kailangan ng mga balitang showbiz. Kung mapili ka pa sa mga ibabalita mo, eh, lalo kang walang makukuhang balita, ‘di ba?
Kaya tingnan n’yo, pati naiinsekyur lang, kailangan nang kunin ang panig. Sino kaya ang uutot na artista para mainterbyu ko rin?
BAGO ANG LAHAT, gusto naming magpasalamat sa mga nag-alagang nurse sa amin nu’ng ma-confine kami overnight sa St. Luke’s Hospital due to gastroentritis at sa aming doktor na si Dr. Mercado na napakahusay na espesyalista.
At siyempre, higit sa lahat, maraming salamat sa Philamcare, dahil member kami nito. Dahil kung wala kaming health card, lagot! Very fifty thou ang bill clinton ng lola n’yo sa ospital, hahaha!
Iba na talaga ‘pag ikaw eh, laging handa. Kaya kung kami sa inyo, importanteng may health card kung kayo’y self-employed. Pero pinakamabisa pa rin ang pag-iingat sa lahat ng panahon.
Oh My G!
by Ogie Diaz