KARAMIHAN sa mga artistang pumapasok sa showbiz lalo na ang mga makakapasok pa sa ‘young star’ category ay sabik na sabik na makahanap ng ka-loveteam. Normally kasi ay ito ang nagiging ticket to success ng mga baguhan lalo na kung mahanap nila ang perfect na katambal. Sa dami ng mga fans ngayon na masyadong idealistic sa love, tila requirement sa showbiz na may ipinapanganak na bagong tambalan yearly.
Having a ka-loveteam also means more TV shows, movies and endorsements.
Alam ng kampo ng young actor na mas angat ang potential nito maging big star compared sa mga kasabayan niya. Kahit newbie pa lang siya sa showbiz ay puro risky projects na ang tinatanggap niya at in fairness, naitatawid niya ang ineexpect sa kanya ng direktor at producers. In short, tumalon na ito to being a matured actor. Hindi na siya nagbabad pa sa ‘pabebe’ stage.
Ito diumano ang rason kung bakit tumataas ang kilay ng kampo ng young actor sa tuwing ipinipilit sa mga interviews na i-link ito sa isang young actress na obviously ay stuck pa rin sa ‘pabebe’ category. Walang at fault dito. May chemistry man sila sa paningin ng fans ng dalaga, hindi naman maikakaila na mas malayo ang mararating ng young actor kung sa mas talented and matured actresses siya ililinya.