MAY ILANG artista na nakatikim lang ng box-office success, agad na nila itong pinanghahawakan na may karapatan na silang umattitude sa press.
Ito ang sentiments ng ilang press and online writers na nasampolan ng isang pabidang aktres sa isang pagtitipon. Naimbiyerna diumano ang aktres sa ilang tanong na walang konek sa proyekto na pinopromote niya.
May point din naman ang aktres, pero hindi napigilan ng iba na magtaas ng kilay dahil hindi pala ito ang first time na nakatikim sila sa gurlaloo.
Unang umingay ang pangalan ng pabidang aktres nang mainvolve ito sa isang sikat na real-life couple at pinagbintangan na third party. Nakakuha ito ng simpatya kaya napansin ng network at binigyan din ng bida roles na hindi masyadong kinagat ng masa. Ngayon ay mas marami pa siyang projects sa mga kasabayan niya dahil sa naging karelasyon niya na maraming connection sa industrya.
Feel na feel daw ng gurlaloo na super sikat na siya at ang galing galing niya. May talento at ganda naman talaga siya, pero nasosobrahan na niya yata ang bilib sa sarili kaya may mga nagsabi na siya ang dapat sisihin sa isang proyekto niya na nag-flop.
Ngayon na besties na niya ang mga sikat na personalidad at dumarami ang film offers sa kanya, lalo raw ito nagiging feeling entitled.
Well, lahat naman ng artista lalo na yung mga nakatikim ng box-office and critics praises ay magkakaroon ng sense of entitlement ay ‘di maiiwasan. Sana lang ay magising sa realidad si gurlaloo at tapak tapak din sa lupa pag may time.