NAKAKAPANGHINAYANG naman kung totoo ang trending topic ngayon sa social media tungkol sa promising hunk actor na nasangkot sa isang hindi kanais-nais na kaganapan sa airport.
Mula sa bakasyon ay nagbalik sa bansa ang aktor. Ang kaso, dahil hindi pala ito Philippine passport holder at binigyan lamang siya ng 30 days para manatili sa bansa.
Hudyat siguro sa puyat o sa pagpapanic dahil nilulusob na siya ng mga sabik na fans na kasabayan niya sa biyahe ay nasagot nito diumano ang immigration officer na nakatoka na magstamp ng kanyang passport.
Nag-tweet ang binata ng update tungkol sa pagpayag lamang ng immigration officer na 30 days siya mananatili sa bansa with a balikbayan visa.
Marami ang nakasaksi ng pag-iba ng mood ng aktor na umabot pa raw sa punto na napasigaw ito. Dahil dito, nanganganib na maging grounds ito na hindi na siya papasukin ng bansa sa susunod. Katulad ng mga foreign passport holders na walang dual citizenship o kasamang magulang na nagtravel, 30 days lang talaga ang ibinibigay ng IO.
Teka, paano na ang mga nakapending na trabaho? Sayang dahil isa pa naman siya sa breakthrough stars noong 2018 at may teleserye pa itong lalabas.
Sigurado na sa mga darating na araw ay magiging usapin sa media ang status ng mga foreigners na nag-aartista dito sa bansa. Ginawa lang ng nakatokang immigration officer ang kanyang trabaho.