BLIND ITEM: KUNWARI, type ka ng isang tv personality na laging nakikisawsaw sa buhay ng mga artista, tapos, timing namang natuklasan niyang gumagamit ka ng droga, naku, susuplayan ka niyan para lang makuha ka niya.
O, ‘wag nang sabihing droga. Kung ano na lang, like gusto mo ng painting? Aba, susuhulan ka niyan ng painting, kasi nga, type ka niya. Kasi nga, gusto niyang magpatsuktsak sa ‘yo.
O, let’s say meron kang hininging pabor sa kanya? Naku, nanginginig pa ‘yon para gumawa ng himala at matuwa ka sa kanya. Sobra pa kamo sa pabor na hinihingi mo ang ibibigay niya sa ‘yo.
Pero ano’ng kapalit? ‘Yun nga, type niyang “tsugihin” ka niya, dahil makati pa sa laing-bicol ang lola n’yo despite the fact na siya’y de pamilya nang tao. Hindi na nahiya sa kanyang asawa’t mga anak.
Kaya nga ingat na ingat dito ‘yung isang aktor na kakilala namin, eh. Hangga’t maaari, distansiya ang byuti niya rito at sapat na ‘yung tsikahan ‘pag nagkikita-kita sila, pero hindi niya hinihingan ng pabor para hindi maka-first base sa kanya.
Bata pa siya’y playgirl na ang tawag sa kanya, hanggang ngayong may dyowa na siya, talagang nakadikit na sa balat niya’t nananalaytay sa kanyang dugo na hinahanap-hanap niya ang “kalinga” ng mga lalaki.
“DADDY, KELAN NA ‘yung ‘Kambal Sa Uma!” Asked ng panganay naming 7-year old, si Erin. Maging siya ay excited nang mapanood ang kambal na sina Shaina Magdayao at Melissa Ricks, dahil gusto raw niyang malaman kumbakit naging taong-daga ang magkapatid na ‘to.
Juice ko, iba talaga kapag hindi basta kuwento lang ang nakararating sa mga bata, kungdi may kasama pang visuals as in nakikita ng mga mata nila ang hitsura ng mga napapanood nila.
Mabuti na lang at pagkatapos ng Wowowee ito ipalalabas simula ngayong araw at hindi ‘yung during lunchtime o dinner time, dahil parang hindi maganda sa panlasa ng mga tumatangkilik sa Kapamilya Network.
Mabuti na lang din at gising na nang mga oras na ‘yon ang mga anak ko at mapapanood na nila ang Kambal Sa Uma nang bonggang-bongga.
Bonggang-bongga talaga, o! Hahaha!
GUESTS SINA ROSANNA Roces at Ejay Falcon sa May Bukas Pa ngayong week na ‘to pagkatapos mag-guest ni Teacher Susan Roces. Problemado ang mag-inang ito sa isa’t isa, kaya papasok sa buhay nila si Santino para maayos ang relasyon nilang mag-ina.
Mainstay kami ng teleserye, at dahil guest namin si Osang, binati namin siya ng, “Hi, Ms. O!” At ginantihan naman niya ito ng, “Hi!” Tapos, balik na siya sa pakikipag-usap kay Tonton Gutierrez.
Naramdaman naming cold si Osang sa amin, pero ayos lang. Ang importante, kung galit pa rin siya sa amin, eh, hindi kami galit sa kanya.
May nakapansin kasi sa “panlalamig” sa amin that night sa set ni Osang. Eh, tao lang naman si Osang. Baka na-hurt siya nang bonggang-bongga sa aming panulat noon, normal lang ‘yon.
Ang importante, “bahay” namin ang May Bukas Pa at hindi itinuro ni “Bro” sa amin ang mambastos ng bisita.
Panoorin n’yo’t ang sey sa amin, mahusay raw rito si Osang.
Nakakalungkot lang. Nag-flop daw ang Pasang Krus kung saan nagpapako pa naman siya sa krus, dahil sabi niya’y ‘yun ang gusto ni Lord na gawin niya.
Pero sa pag-flop ng movie, ‘wag na sana kaming makarinig ng, “‘Yun ang gusto ni Lord.”
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz