TOTOO KAYANG NAHILA ang kotse ng isang hunk actor dahil hindi ito nakababayad sa tamang panahon?
Ilang buwan na raw na hindi nakapagbabayad ng buwanang hulog niya ang sexy actor kaya naman napilitan na raw ang pinagkunan niya ng kotse na bawiin ang kanyang sasakyan.
Ilang buwan pa lamang daw ay hindi na nakababayad ng monthly dues niya ang actor dahil siguro sa kakapusan sa pera. Pero ang alam namin, may regular show naman siya sa isang network. Baka hindi naman kalakihan ang kanyang talent fee at hindi naman siya madalas mag-taping.
Ang actor na ito ay naging mapangahas sa kanyang pictorial lately. ‘Yun na! (Alex Brosas)
BLIND ITEM: UP to now pala, this actress is still suffering from her inferiority complex lalo na kapag nabibigyan ng emphasis ang kanyang katawan. Ito raw ang kanyang laging sinasabi sa kanyang close friend na isa ring aktres.
Dati na kasing mataba na biglang pumayat ang aktres na ito with the help of slimming medicines na kanyang tine-take noon pero ang nakalimutan niya, e, ang sabayan ng work out sa gym ang kanyang pagda-diet para hindi sana nag-sag ang kanyang skin at na-avoid na rin sana ang mga scratches and lines sa kanyang arms, breast and hips na ngayon, e, talaga namang visibly marked, na kung hindi tatapalan ng concealer, e, siguradong mahahalata kapag nakunan ng camera.
Ang kanyang inferiority complex rin ang dahilan kung bakit nag-dalawang-isip siyang magpa-pictorial nang naka-bikini for the promo of her TV series at nang napapayag siya after the planned convincing scheme ng isang TV executive, e, nagkasundo silang maging limited ang mga tao sa studio at saka siya sumumpa na hindi na mauulit ang ganu’ng klaseng pictorial.
Sayang dahil nag-iisa lang ang beauty ng aktres na ito na kung tutuusin, e, puwede rin sanang maging beauty queen… getz? (Joey Sarmiento)
BLIND ITEM: SINO naman itong baklang trying hard comedian na regular na napapanood sa isang gag show ang malapit-lapit nang ireklamo sa pamunuan ng isang higanteng TV network ng mga lalaking nagiging extra sa nasabing palabas dahil na rin sa kahalayan at sobrang libog nito?
Tsika pa ng aming source, everytime daw na may matipuhang guwapong extra si komedyante, hinihila kaagad nito sa isang sulok ng studio at doon hihipu-hipuan ng nota. At dahil nga artista, mistulang sunud-sunuran na lang ang mga kaawa-awang extra sa kahit na anong gustuhin ng mahalay na komedyante.
Bukod pa sa tinatakot nito ang mga ekstrang lalaki na ‘di na niya ulit kukunin sa nasabing show kapag hindi ito pinagbigyan.
At kung minsan pa nga raw, tine-take home pa ng nasabing baklang komedyante ang kanyang mga natitipuhan, habang ang iba naman ay pilit nitong ginagawang boyfriend.
At dahil nga gustong mag-artista ng mga pobreng lalaki, susunod na lang sa kaelyahan ng nasabing comedian. (John Fontanilla)
BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Mahulaan n’yo kaya itong pretty actress na sa kabila ng kagandahan ng kanyang mukha ay siya namang nagtatago ang hindi niya kagandahang ugali?
Ang chikka kasi ng aking parazzi girl, itong si pretty actress daw ay medyo may pagka-insensitive dahil sa buong maghapon ng shooting ay wala man lamang effort na inilabas para pakainin ang kanyang make-up artist.
Sumapit na ang gabi at mukhang nahiya na si pretty actress kaya inabutan si make-up artist ng ensaymadang galing sa isang fan. Eh, buti naman at may isa pang fan na nagbigay ng cake kaya medyo nakadagdag na rin sa kumakalam na sikmura ni make-up artist. Tsk, tsk, tsk!
Naku, huh! Ulcer ang abot ng magtatrabaho para kay pretty actress. Bad ‘yan! Hindi mo maintindihan kung tamang tipid siya o sadyang dedma lamang siya. Hay! Kung gaano kasarap pakinggan ang kanyang apelyido na katunog ng isang ulam eh siya namang kakagutom siya kasama. Ano kilala n’yo na?! (Tita Swarding)
BLIND ITEM: BAGAMA’T tapos na ang Halloween, puwede palang humabol ang isang scriptwriter-director (kuno!) moonlighting as a publicist na naglalakad nang walang ulo sa paningin ng mga taong nadenggoy niya.
Recently, pinamunuan ng publisistang ito ang isang indie project arranging one event after another, from its press preview to the launch of an upcoming male artist who sang its theme song. Marami-rami rin ang mga activities na ‘yon with corresponding budget that translated to hundreds of thousands.
As PR protocol, nag-submit ang publisista sa producer ng listahan ng kanyang mga iimbitahang press from various media outlets. Umabot ang ikinowt niyang budget to about P150,000 pero natuklasan later on ng produ na wala pa sa singkuwenta mil ang ipinamahagi ng publisista. Deklarado naman sa papel ang press attendance, pero konti lang ang nagsulat o nag-cover ng event, clearly a deliberate attempt to pocket a major part of the budget.
Hindi pa nakuntento ang publisista sa kanyang kinita, his next potential victim ay ang singer na kumanta ng theme song na ginatasan umano niya ng halagang P180,000 na parang baka. Again, a substantial amount based on the publicist’s budget proposal was allocated for the press. Pero ang siste, nang ibibigay na raw ng publisista ang sobre sa isang editor ng diyaryo who came to the event ay nahuli nitong binawasan ang datung!
Then came the premiere showing of the indie film. Again, may ibinigay na P50,000 sa publisista bilang budget para sa a-attend na press ng mismong producer. Pero ni mineral water ay hindi napatakan ang nanunuyo nang lalamunan ng press sa pagkalayu-layo pa manding venue nito!
Nu’ng mag-showing lang daw ang pelikula at a state university nang mabuking ang umano’y nakulimbat ng publisista both from the producer and the upcoming singer, na kung susumahin daw ay aabot sa P350,000! Teka, pagsama-samahin yata ang talent fees ang mga bida sa indie film na ‘yon, katumbas na ‘yon ng nadenggoy ng publisistang ‘yon!
Ayoko sanang personalin ang taong ‘yon, but it has come to my knowledge that he does not like me for whatever reason. Care ‘ko. The feeling is mutual, anyway. All I know is that I’m friends with respected columnists na kapareho ko ang initials like Ronald Constantino, Ricky Calderon and Roldan Castro.
Did I miss anyone? (Ronnie Carrasco III)
BLIND ITEM: MERON palang inirerekomenda kay Willie Revillame na maging co-host nito sa Willing-Willie, pero ang napag-alaman namin, tinanggihan na ito ni Willie.
Ang dahilan: Umiiwas si Willie na makaaway someday ang “pamilya” nu’ng girl. Eh, kilala n’yo naman si Willie, masyadong metikuloso. Baka ma-late ang girl, tapos, tatalakan niya.
Tapos, malalaman ng pamilya, tatalakan din si Willie pabalik. Kaya ‘wa na lang daw.
Hindi na kami magbibigay ng clue. (Ogie Diaz)