NAKAKALOKA SA katatawanan ang full trailer ng pelikulang This Guy’s In Love With You, Mare nina Vice Ganda, Toni Gonzaga at Luis Manzano na dinirek ng box-office director Wenn Deramas under Star Cinema na showing on October 10. Nang makausap namin si Direk, hiningan namin siya ng reaction tungkol sa sinabi ni Vice na mas gugustuhin niyang mag-alaga ng kanyang mga pamangkin kaysa mag-adopt ng hindi niya kadugo. Walang plano si Vice na mag-ampon na hindi niya kaanu-ano, pero ayaw raw niyang magsalita ng tapos .
“Sa sinabi ni Vice, to each his own talaga ‘yan. Kaya lang dahil ang Nanay ko ay napakahusay na ina, isa siyang ulirang ina at gusto ko kung paano niya kami pinalaki, ganoon din. Thirty three pa lang ako noon, gusto ko nang magkaanak, gusto ko talaga. Hindi dahil para may mag-alaga sa akin sa pagtanda ko. Hindi ganu’n, gusto kong magbigay buhay, not just once but two. Noong dumating naman siya (Gabby), 33 ako, pangalawa ko, si Raffy. Iba ‘yung joy na naibibigay ng anak. Iiwan ka nang lalaki, ng mga kapatid mo, ng magulang mo, pero ang anak, ikaw ‘yan. Bawat hininga’t utot niya, alam mo,” wika ni Direk Wenn.
Napag-alaman naming hindi na pala matutuloy ang pagsasama nina Kris Aquino at Vice Ganda sa pelikula na ididirek ni Wenn Deramas dahil nagkaroon ng health problem ang TV host-actress. Balitang si Ai-Ai delas Alas daw ang papalit kay Kristeta.
“Kung ang probema ay health problem ni Kris at si Ai-Ai ang papalit, sobra akong masaya, dalawang mahal ko ‘yan. Diyos ko, kung may babangga pa sa dalawang ito, ‘di ba? Aminan naman tayo, Ai-Ai reyna ‘yan ng filmfest, Vice, may hawak nang pinakamalaking kinita ng pelikula. Pagsamahin mo, sana mangyari. Ang nangyari, nag-backout si Kris, sino ang papalit ? Pero ang tanong, may kumausap na ba sa mga taong ito? Ako na ang nagsasabi, pag-upo ko pa lang sa meeting binagsak ko ‘yung script, si Delas Alas ‘yung character. Sabi ko, i-adjust ninyo ng Kris Aquino,” say niya.
Kumusta naman ang rating ng Kahit Puso’y Masugatan? “’Eto kababasa ko lang ng rating, tumataas siya lalo na sa Metro nag-18 % siya. Gustung-gusto ni Mam Charo (Santos), personal, sinasabi niya kay Lauren Dyogi, pinapanood niya talaga. Masaya sila, masaya ang management, payapa ang buhay ko, maniwala kayo. Masaya ang ginagawa kong pelikula, masaya ang ginagawa kong soap opera, napakahuhusay nila. Kaya siya pinapanood, malakas kami globally, abroad. Mataas ang rating niya considering mag-11pm siya ng gabi.”
Sinabi rin ni Direk Wenn after ng kanyang soap sa Kapamilya Network may sisimulan agad siyang teleserye. “Mayroon akong lima (TV project), posible kong gawin, mamimili. Gusto ko si Toni Gonzaga siyempre, may drama comedy at saka si Piolo Pascual gusto ko.”
Kahit sinasabing box-office director si Wenn Deramas, hindi niya ikinahihiya na may mga pelikula rin siyang hindi kumita sa takilya. “Huwag naman ninyong kalimutan ang mga flops ko. ‘Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy’, Robin (Padilla) – Ai-Ai. Ang ‘Volta’ kasi malaki ang budget so, pinatay ako ni ‘Spiderman’. Unang linggo ko, ang bongga-bongga ng kita, second week ko, pinasukan ako ni Spiderman. Anong laban ko sa sapot nu’n? ‘Yung talagang aminado na talagang talo. Sayang, nagmahalan kami nang sobra ni Robin, pero hindi nag-click ‘yung movie namin. Mayroon talaga, even FPJ, Sharon (Cuneta) mayroong pelikula kang mahina,” pahayag niya.
Naging matunog ang balita na nagkaroon daw ng tampuhan sina Direk Wenn at ABS-CBN kaya lilipat na ito sa TV5 na agad namang sinagot ng magaling na director.
“Hindi totoo na may tampo ako sa ABS kaya lilipat. Nag-e-end ang contract kaya posibleng lumipat, kaya ako nag-i-entertain. May mga nakausap na ako, hindi ko na sa-sabihin pero hindi pumayag ang Dos. TV5 mayroong offer, Channel 7… hindi ko alam kung may naganap na usapan sa manager ko (June Rufino). Nandito ako sa posisyon ngayon na very fortunate ako. Ako ang nagsasabi ng Deal or No Deal, ‘di ba? Ngayon, ayaw kong pakawalan ang pagkakataong ‘yun. Sa another three years contract, I don’t think na lilipat pa ako. Sabi ni Mam Charo, ‘at least, alam natin nandito si Wenn for another 3 years’. Sabi ko nga, ayaw ko ng stress, pag-end ng contract pirma agad,” kuwento niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield